Be My Guest

Post info

Labels:


Comments 0


Author: loveangie



Akoy nagalak nang ikay muling nagbalik,
pinasaya mo ang pusong kong sabik.
ngunit sa iyong pagbabalik isang paalam ang naganap
ako ay iiwan at mag aantay muli.

Hanggang saan at hanggang kailan,?
mga katagang pumasok sa aking isipan.
nais kong itanong ngunit akoy takot,
sa maaari mong bitiwang sagot.

Ngunit ganoon pa man ako'y naririto,
patuloy na mag aantay para lamang sa iyo.
sana sa muling pagbabalik huwag ka nang umalis,
baka sa muling pag lisan di ko na kayanin ang hinagpis.

Ang sakit na idinulot ng iyong pagpaalam
ngunit dahil na rin sa ating kagustuhan
ito ang nararapat para sa iyong kaligayahan
maging ano pa man at hanggang saan
tandaan mo akoy naririto lamang kung san mo iniwan.

Sa iyong muling pagbabalik na aking inaasam,
sasalubungin ka ng buong pagmamahal.
yayakapin ka ng buong higpit,
at aking ibubulong sa iyo ang katagang,
"MALIGAYANG PAGBABALIK MAHALKOH"

Hangga't kaya ko ako'y mag aantay,
hangga't mahal mo ako'y mag aasam.
balang araw makamtam ang kaligayahang
WALANG HANGGAN..

0 comments:


Post a Comment

Yanzloveangie