Be My Guest

Post info

Labels:


Comments 0


Author: loveangie



Nais kong sumigaw
Nais kong humiyaw
Nais kong iparating
Ang daing nitong damdamin.

Ngunit sa pano'ng paraan
kung wala ka naman
sapagkat ikaw ang dahilan
kung ba't puso'y nag daramdam.

Hanggang saan?
Hanggang kailan?
Ika'y magtatago
sa pusong kong iyong binigo.

Nais ko lang marinig
Mga kataga sa iyong bibig..
Nais ko lang malaman
Ang nilalaman ng isipan.

Ako ay tao lamang na ang hahanap ng kaligayahan
Na ang akala ko sa piling mo'y makakatamtam.
Ngunit bakit ganoon?
Puso koy'y nagdusa at iniwan mong luhaan.

Kailang mag babalik
Upang pusoy'y gamutin
O sadyang panaginip na lamang
Na Ika'y makapiling.

Handa ako mag patawad
Handa ako mag bigay
Kaya ibigay mo rin sana
ang kalayaang hinahangad.

Walang galit sa puso ko
Dahil naging bahagi ka nito
Ang nais ko lamang ay iyong ipaalam
lahat ng dapat malaman.

Siguro hanggang dito na lamang
Kaya akoy mag papaalam
Salamat sa nakaraan
Salamat sa lahat.

Dahil ang NAIS ko lamang
Maging maligaya man lang.
Ang pusong ito....
Sa piling nino man......

0 comments:


Post a Comment

Yanzloveangie