Samantala si colline ay tumawag kay henry at inimbitahan kumain sa labas dahil may sasabihing sorpresa sa lalakeng kaibigan, bagay na tinanggap ni henry ang alok ng kaibigan. Alas singko ng hapon pag ka labas mula sa opisina ay nagtuloy si henry sa sinabing tagpuan nila, nag tungo ito sa isang coffee shop at nakita niya na andun na nga ang kaibigan kasama ang asawa nito. Hinanap ni henry ang anak ni colline at sinabi nito na iniwan niya ito sa lolo ng bata, Masaya naman na binalita ni colline ang pag kakabalikan nilang mag asawa, masayang binati ni henry ang mag asawa at pinag sabihan na kung sakaling mag karoon ng problema ay ayusin muna at mag usap ng maayos. Bagay na kinatuwa ni colline dahil sa payo ng mabuting kaibigan, nabanggit naman ni colline na nagkita sila ni Natalie sa bilihan ng mga prutas at sinabi nito na pinagkamalan ni Natalie na si henry ang ama ng bata at asawa ni colline, tawa naman ng tawa ang dalaga subalit bigla nalang pumasok sa isipan ni henry na kaya pala ganoon kalamig sa kanya si Natalie dahil ang buong akala nito na si colline at siya ay mag asawa, ngayon ay naunawaan na niya ang dalaga kung bakit ito umiiwas sa kanya.
“hello.” , “ nat its me josephine” Mula sa kabilang linya, “jo, kumusta na?”tanong ng dalaga sa kaibigan, “okay naman ako fren ikaw kumusta ka na?” sambit nito. “nat siya nga pala kaya ako napatawag eh papaalam ko lang na bukas na iyong flight naming nila roel, may emergency lang kaya kailangan namin bumalik agad sa bahay” malungkot na dugtong nito.”ha? bakit ano nangyari biglaan naman ata yan, hindi pa tayo nakakapag usap ng matagalan hayzzz.”Tugon naman Ni Natalie. Dahil sa sinabi ni Natalie ay pinaliwanag ni jo sa kaibigan na nag kasakit ang mother In law nito at kailangan nila umuwi agad, sa sinabi ni jo ay naintidihan naman niya ang kaibagan. Matapos ang mahabang pag uusap ay nag paalam na si jo kay Natalie dahil mag aayos pa ito ng kanilang gamit pauwi.samantala si Natalie naman ay nag asikaso na rin upang matulog.dahil ang balak niya bukas ay puntahan si henry sa opisina nito at siya na ang unang kakausap sa binata dahil para sa kanya siya naman ang nagkamali dahil sa inasal nito.
“ano ba? Bakit ka ba nag balik ha?” habang inaalis nito ang kamay sa kanyang baywang.”bakit di mo ba ako namiss “ sabi ng babae kay henry.” Wala na tayo bakit ka pa andito, ano bang pinaplano mo?tanong nito sa da.laga.”hmm kaw naman napa ka sarcastic mo naman,masama ba na bisitahin ka,”dahil sa kakulitan ng nasabing bisita ni henry ay nainis na ito sa dalaga. Samantala panay naman ang yakap nito na tila ba inaasar lalo ang binata.habang mag kayakap ang dalawa ay di naman nila napansin na may taong nakamasid sa kanila. “lumeng, halika pumarito ka may bisita tayo.”sigaw ng matandang lalake sa asawang c lumeng.lumapit naman ang matandang babae at iniwan muna sandali nito ang ginagawa sa kusina at nagtungo sa kinaroonan nang kanyang aswa. Nabigla naman ang matanda sa nakita.” Sir xydreck “sabi nito at lumapit kay xyd at nag yumakap sa binata, ganun din naman ang binata dahil matagal nang di nakita ang tinuring na pangalawang magulang. Pinakilala naman nix yd si Natalie sa mag asawa at tuwang tuwa ang mga ito dahil sa unang pag kakataon ay may sinamang dalaga ang binata sa kanilang lugar. Inaya ng mag asawa ang dalawa sa loob ng bahay upang makapag pahinga dahil alam nito na pagod sa mahabang biyahe. Tinungo nix yd ang dating kwarto samantalang si Natalie naman ay sinamahan ni aling lumeng sa kanyang tutulugan. “maraming salamat po,” bigay galang ni natalie sa matandang babae, ngumiti ang matandang babae at sinabing lalabas sandali upang ihanda ang kanilang hapunan,inisa isa naman inayos ni Natalie ang mga damit at inilagay sa cabinet, habang nag aayos ng kanyang gamit ay di mawaglit sa kanyang isipan ang nakita nang gabing iyon, dahilan kaya pumayag siyang sumama kay xyd na magbakasyon sa isla. Gusto niyang makalimot sa pag kakataong ito kaya naisip niyang paraan ay ang pag layo, sana nga!. Buong akala kasi niya nang malaman ang buong katotohanan ay mag kakaroon na sila nang pag kakataon ni henry na mag kasamang muli, bakit nga ba parang napakaraming problema ang dumarating at hindi ba siya pwedeng maging Masaya sa piling ng kanyang minamahal. Matagal nang panahon nang sinara ni Natalie ang puso upang magmahal ng iba dahil ang buong pangarap niya walang iba ay si henry si henry na sa ngayon para sa kanya ay isang ala ala na lang,pilit niyang kalilimutan ang binata upang di na masaktan pa, total may isang tao naman sa kanyang tabi na handing mag hal sa kanya ng buong tapat, tuturuan niya ulit ang kanyang puso na umibig ulit, ngunit hindi kay henry kundi sa isang taong nag papahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon. Nasa malalim na pag iisip ang dalaga nang may kumatok mula sa pintuan, pinatuloy naman ng dalaga ang taong kumakatok kanina lamang. “natalie okay ka lang ba rito sa kwarto mo?”tanong nix yd sa dalaga.”oo xyd maraming salamat ha. Ito nag aayos lang ako sandali ng mga gamit ko at maya maya eh lalabas na rin”mahabang sambit ng dalaga habang patuloy sa pag tutupi ng mga damit nito. Di na rin nag tagal si xyd sa loob ng kwarto ni natalie at nag paalam na rin ito upang magtungo sa labas sinabi nitong ipapatawag na lamang siya pag handa na ang kanilang hapunan.
“hello henry bakit napatawag ka?”sabi ni colline.”colline itatanong ko lang sana kung nagkita kayo ni natalie hindi ko kasi alam kung nasan siya ngayon di ko rin makontak ang cellphone niya”buong pag aalala ng binata, sinabi naman ni colline na hindi nito nakita ang dalaga at hindi rin nito makontak ang numero na binigay ni natalie sa kanya. Sinubukan naman tawagan ni colline ang telepono sa bahay nito at ang sabi ng katulong ay umalis ang amo na may dalang maletang maliit at sinabing magbabakasyon,saan?iyon ay hindi na sinabi pa ng katulong dahil bilin ng kanilang amo na huwag papa alam sa iba kung asan siya at kung sino ang kasama nito.
“miss natalie handa na po ang hapunan”sabi ni aling lumeng sa dalaga. Magalang naman na sumagot ito at sinabing susunod na. masayang nag hapunan ang apat at si natalie naman ay maraming nakain dahil sa sarap ng pag kaluto ni aling lumeng ng ginataang laing, inihaw na bangus at may dessert pang leche plan.matapos mag si kain ay tumulong si natalie sa pag liligpit ngunit pinag bawalan siya ng matandang babae na ayon sa kanilang pamahiin ay masama nag mag hugas ng pinggan ang bisita nang di pa natutulog sa kanilang bahay, kaya sinunod naman ni natalie ang sinabi ng matanda at tiningnan na lamang niya habang nag huhugas ang matandang babae, sinabi rin nito na huwag na siyang tatawaging miss natalie bagkos ay natalie na lamang at siya naman ay tita ang itatawag sa nasabing matanda.
“oh! Natalie, anung ginagawa mo dito sa labas, napakalamig dito baka mag ka sipon ka”sabi ni xyd sa dalaga sabay abot nito ng balabal sa dalaga upang proteksyon sa lamig. “hmm…hindi pa kasi ako inaantok xyd gusto ko lang magpahangin sandali bago matulog.salamat nga pala dito”sabi ni natalie at sabay turo sa nasabing balabal.”mukhang malalim ang iniisip mo, hmm kung gusto mo ng kausap makikinig ako natalie para naman mabawasan iyang nararamdam mong bigay sa dibdib mo, alam ko may problema ka.”sabi ni xyd at tumabi sa kinauupuan ng dalaga.”ang ganda ng lugar na ito xyd, salamat nga pala sa pag imbita mo sakin para pumunta dito, di ako nag sisi na sumama sa iyo.”puri ni natalie sa lugar kung saan kinagisnan ng binata,ngumiti naman ang binata sa sinabi ni natalie at nagpasalamat dahil nagustuhan nito ang lugar.”hmm..nag mahal ka naba ng tapat xyd?”tanong ng dalaga sa binata.sinagot naman ng buong tapat ng binata ang dalaga sa tanong nito.”ako may isang taong mahal na mahal ko pero ang parang pinag lalayo kami ng tadhana, haayssss..matagal ng panahon bata pa lamang ako siya na ang laman ng puso ko hanggang sa umalis ako at muling nag balik ditto upang tuparin ang pangarap ko na makasama siya ngunit sa tuwing ng kakaroon ako ng chances dumarating naman ang balakid,sumusuko na ako na siya ang makakatuluyan ko baling araw siguro hindi kami para sa isat isa.”mahabang kwento ni natalie sa binata ng di nito namalayan na tumulo na pala ang luha nito, “minsan sa buhay ng tao dumarating talaga ang pag subok lalo sa taong minamahal mo, doon mo masusubukan kung hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo, bigyan mo ang sarili mo ng panahon para mag isip isip,susuko ka nalang ba, kung sa tingin mo ay dapat, or lalaban ka pa rin para sa pangarap na gusto mong abutin dahil na umpisahan mona. Ang pag subok ang nagbibigay satin ng lakas upang ipagpatuloy ang laban natalie. Kung kakainin ka ng takot at kawalang ng pag asa maaring ang pangarap mo ay isang pangarap na lang na di mo matutupad.”mahabang paliwanag naman ng binata sa dalaga at sabay abot nito ng panyo. Sa mga nabanggit ni xyd ay may punto ito,tama ba na titigil na lang siya tatakbo, tatakas sa problema. Sa gabing iyon ay nakilala niya ng lubos si xyd. Nag karon siya ng isang kaibigan tulad nito.
Yanzloveangie





0 comments: