Be My Guest

Post info

Labels:


Comments 0


Author: loveangie


“good morning jho.”bati ni natalie sa bagong gising na kaibigan. “uh anong meron at ang aga mo nagising natalie, teka nga pala anung oras kana umuwi kagabi di na kita naantay pano kasi sobrang antok na ako.kamusta ang lakad niyo ng amo mo.?”tanong nito habang nag hihikab pa.”ok naman successful ang lakad namin, haaayyy friend ang bait pala ni sir henry at napakagentleman pa.”sabi ni natalie na may kislap pa sa mata nito.” Asus kaya naman pala ang aga nagising inlove.hehehe”pang aasar nito.”heh! hindi nuh masama bang humanga hah, ininit ko po kasi itong dala ko kagabi para sa iyo. Mag toothbrush ka na nga ang baho ng hininga mo hehehe!”pang aasar nito sa dalaga.”hah! ang yabang mo naman di naman mabaho ang hininga ko ah”sabay amoy nito sa kanyang bunganga sa pamamagitan ng pagihip sa kamay nito sa tapat ng kanyang bunganga. Pagkatapos maghilamos at toothbrush ng kaibigan ay sabay na itong kumain ng almusal. Pagkakain ay may binigay si jho kay natalie ng notes dahil absent ito ng nakaraang hapon, binasa ito ni natalie buti nalang at madali ang leksyon na ginawa ng mga ito ng wala siya. Nag self study si natalie ng sa ganon ay hindi pa rin sya mahuli sa klase, bandang alas syete ng ma ggayak na ang dalawa papasok sa eskwelahan.
“class alam ko na excited na kayo sa darating na graduation natin, magbibigay ako ng kopya ng magiging themesong natin para sa araw ng inyong graduation. Magkakaron din tayo ng rehearsal every Saturday, whole day iyon kaya dito na kayo mag lulunch.”mahabang paliwanag ng kanilang adviser. Tuwang tuwa naman ang mga studyante dahil sa wakas ay gagraduate na ang mga ito. Samantala si natalie ay nag iisip kung papapuntahin ang kanyang mga magulang sa araw ng kanyang graduation. “gusto ko na ang mga magulang nyo ay dumalo sa especial na araw na iyon,ipakita nyo sa kanila na magiging proud sila sa inyo magkakaroon din tayo ng sayawan pag katapos ng inyong graduation. “dugtong ng kanilang guro. Nasa malalim na pag iisip si natalie ng biglang kinalabit sya ni jho,”huuyyy… natalie natulala ka nanaman.”sabi nito sa kaibigan.”hah hindi may iniisip lang ako.”sabi nito “anu naman ang iniisip mo dyan hah.”tanong ni jho.”wala jho trabaho.” Pagsisinungaling nito.”puro ka nalang trabaho dyan mag saya ka naman kahit minsan dyan mamaya lalabas kami ni roel sama ka, isasama daw niya iyong kaibigan nya.”aya ni jho sa kaibigan, “ah ok sige sama ako anong oras ba?”tanong ni natalie.ala syete ang usapan nila roel at jhosephine na magkikita.inaaya kasi nito ang dalaga sa dinner date, double dinner date. Nangako naman ang dalaga na pupunta sa usapan.
“pare free time kaba mamaya?”tanong ni roel sa kaibigan”bakit pare?” balik tanong din nito.” Sama ka sa amin ni Josephine lalabas kami mamaya isasama daw niya ang kaibigan nya eh, remember nabanggit ko na siya sa iyo.”sabi nito.”ok sige wala naman akong commitment mamaya eh pupunta ako,san ba ang location at anong oras.?”tanong nito sa kaibigan. Sinagot naman ni roel ang tanong ng kanyang kaibigan, umaasa itong dadalo sa imbitasyon ng lalaki. Pagkatapos mag usap ay nag paalam na ito na aalis na at marami pang dapat gawin sa opisina.
“natalie may lakad ka ba mamaya?”tanong ni henry sa dalaga habang nag babasa ng pinasang report ni natalie sa kanya.sinabi ni natalie na inimbitahan siya ng kaibigan nya mamaya kaya dina nagtanong pa ulit ang binata. Sa pagkasabing iyon ng dalaga ay bahagyang nalungkot ang binata dahil akala nito ay makakasama ulit niya si natalie sa hapunan. Sayang double date sana ang kalalabsan kung makakasama niya ang dalaga. Wala naman kamalay malay ang dalaga na balak siya nitong imbitahan sa dinner date pero dina siya nakatanggap pa nang salita mula sa binata. Tahimik na nagtrabaho ang dalawa dahil marami silang tinatapos na financial report para ipasa kay mr. baronman.
Pagkatapos ng oras ng trabaho ay sabay ng lumabas ang dalawa sa opisina. Magkasabay silang naglalakad ng maalala ni natalie na tumawag pala si mr. baronman sa kanya kaya nagpaalam na ito sa binata na dadaanan muna sa matanda. Habang papasok ng opisina ni mr. baronman si natalie ay nakatingin pa rin si henry sa kanya at na pailing na lamang, naisip nito totoo kaya ang mga bulong bulungan tungkol kay natalie at mr. baronman. Kaya siguro natanggap agad ang dalaga dahil ginamit nito ang ganda nito, pero sa ugali ni natalie Malabo naman na gawin iyon ng dalaga.
“mr. baronman, bakit po pala kayo napatawag sa akin kagabi.?”tanong ng dalaga sa matanda. “ahhmm.. gusto ka sana Makita ng ina mo natalie.”sabi nito sa dalaga.”hah, bakit po kamustah po si mommy,?”nag aalalang tanong nito.”ok naman siya namiss kalang niya kaya gusto ka niya Makita.”sinabi ni natalie na hindi muna sya makakauwi sa kanila dahil marami itong trabaho at magiging busy pa siya sa paaralan dahil graduation na nila. Naintindihan naman ito ng matanda kaya dina niya kinulit pa ang dalaga.nag paalam na ang dalaga sa matanda.
“pare,buti at dumating kana siya nga pala ito nga pala si Josephine.”pakilala ni roel sa kaibigan. “hello henry nice meeting you.”sabi ni jho sabay abot ng kamay kay henry at ganun din ang binata. “familiar ka sa akin, parang nagkita na tayo somewhere.?”habang titig na titig si henry kay Josephine. “pare matunaw naman si Josephine sa pagkatitig mo, heheheh.”pang aasar ni roel sa kaibigan. Pagkasabing iyon ni roel ay namula naman si Josephine dahil sa pagkatitig sa kanya. Sabagay mukhang familiar din sa kanya ang binata. “3 lang ba tayo o may inaantay pa tayong bisita?”tanong ni henry sa dalawa. “ah sorry wala pa kasi ang kaibigan ko, galing pa kasi iyon sa trabaho kaya mahuhuli lang ng konti.pasensya na ha.”hingi ng paumanhin ni jo sa magkaibigan. Nag excuse sandali ang dalaga para tawagan ang kaibigang hanggang ngayon ay wala pa sa usapan.”hoy bruha asan kana?dilat na ang mata namin sa gutom hehehehe”birong sabi ni Josephine sa kaibigan.”naku jo sorry ha malapit na ako sige mauna na kayo kumain.sorry talga friend pakisabi nalang sa kanila.”hingi ng paumanhin ni natalie sa kaibigan.”friend ang gwapo ng magkaibigan na ito grabe sana dalawa ang puso ko heheh haaayyyyy kilig to the bones talaga friend. Oh siya sige na lusaw na ang make up ko sa pag antay sa iyo. Mag reretouch muna ako at babalik na ako sa kanila.”sabi nito sa kaibigan.maya maya ay bumalik na ito sa pwesto at inihingi ng paumanhin ang pagkahuli ni natalie sa kanilang dinner date. Makalipas ang ilang minuto ay dumating din sa wakas si natalie. Nakita agad niya ang kinaroroonan ng kaibigan, nagatubili siyang tumuloy dahil nahihiya siya sa kasama ni roel baka isipin nito ay di ito sumunod sa usapan at Filipino time talaga. Hmmm so what? I don’t care kung ano man ang isipin niya nagpunta siya dahil sa kaibigan. Bulong nito sa sarili. “hey natalie sa wakas at dumating ka na rin.”sabi ni Jo at tumayo upang salubungin ang kaibigan. “siya nga pala henry siya nga pala si natalie ang sinasabi ko sa iyo na kaibigan ni Jo”pakilala ni roel kay natalie sa kaibigan nito. “ah, nice meeting you natalie.im henry dela rea,how are you?”pakilala ni henry kay natalie,hindi akalain ni henry na makakasama rin niya ang dalaga sa dinner. “ah,im natalie, kinagagalak din kitang makilala mr. henry dela rea”sabi ni natalie sa binata. Di alam ni natalie kung matatawa ba siya dahil magkikita din pala sila ni henry.hmmm…destiny...pagkatapos magkakilanlan ng dalawa ay naupo na ito at nag order na ng pagkain para sa kanilang hapunan.maraming inorder si roel para sa kanila na tiyak naman na di nila mauubos. Masayang na kwentuhan ang mga ito habang kumakain, samantala si henry naman ay panay ang tingin kay natalie. Kay gandang pagmasdan ng dalaga habang kumakain, alam nito ang tamang ugali sa pagkain dahil pansin nito na habang ang mga kasama ay nagkukwentuhan ito ay tahimik lang sa pagkain nito. Inoobserbahan naman nito ang bawat kilos ng dalaga maging ang pagbuka ng labi nito. Ang bawat pagsubo nito at paghigop ng tubig galing sa kanyang baso. Sa gantong akto ay natyempuhan naman ni natalie ang pagkatitig sa kanya ni henrys a pagkakataong iyon ay umiwas agad ng tingin ang binata at pinagpatuloy ang pagkain nito.Napangiti naman si natalie ng palihim dahil nakita niyang namula ang binata sa pagkabisto niya dito sa pagsulyap sa kanya. Maya maya lamang ay natapos ng kumain ang tatlo ngunit di nila naubos ang kanilang inorder. Nagpaalam naman si natalie na magpupunta sandali sa restroom. Samantalang si henry ay may binulong muna sa kaibigang si roel bago magtungo sa restroom ng panlalaki. Palabas na si natalie ng restroom ng bigla nalang sya mabunggo.”ayy sorry miss di ko sinasadya.”sabi ng binata.pagtingin ni natalie sa binatang nabunggo ay. “hah! Ikaw pala sir henry sorry po di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.”hingi ng paumanhin ni natalie kay henry. “wala iyon natalie, kasalanan ko rin kasi..”bawi ni henry sa sinabi ng dalaga habang di pa rin niya ito binibitawan sa pagkayakap.” Ahhhmm sir, excuse lang po. Di po ako makahinga.”pagsisinungaling ni natalie.dahan dahan naman niyang inilayo ang sarili sa katawan ng lalaki. Nagsinungaling siya na di makahinga pero sa halip ay gustong gusto niya ang pagkakayakap sa kanya ng binata.ang sarap ng pakiramdam na kayakap mo ang isang matipunong lalaki at langhap mo ang mabangong amoy nito.”sorry ulit natalie.”habang binitawan na nito ang dalaga.umiwas agad si natalie at nagpaalam ng babalik na ito sa kanilang lamesa. Pagkadating niya sa lamesa ay ligpit na rin ang kanilang pinagkainan at nadatnan niyang masayang nagkukwentuhan sina Jocelyn at roel.
“ihahatid na namin kayo.” Sabi ni roel sa dalawa.sabay siko kay henry upang sumang ayon ito. Tatanggi pa sana si natalie ngunit bigla nalang siyang kinurot ng kaibigan.”oucchhh.”sigaw ni natalie. “hah! Whats wrong natalie?”nag alalang tanong ni henry sa dalaga, kung san nagkatinginan ng palihin sina Jocelyn at roel at napangiti sa isat isa dahil bigla na lamang hinawakan ni henry si natalie. “ahh wala, wala may kumagat lang sa akin na insekto.”sabi ni natalie sabay pinamulatan ng mata si Josephine dahil sa pgkakakurot sa kanya nito. Si henry ang driver kaya sa likod naupo ang dalawa sina roel at Josephine. Samantala si natalie naman ay sa passenger seat naupo katabi ni henry. makalipas ng kalahating minuto ay nakarating din sila sa tirahan ng dalawa. “maraming salamat sa hapunan.” Sabi ni natalie kay roel. “oo nga grabe nag enjoy ako sana maulit ulit ito heheheh, oucchhhh …”pasalamat din ni jo at sabay sigaw din nito dahil tinapakan naman ni natalie ang paa nito. “walang anuman iyon nag enjoy din kami sa company niyong dalawa,okay ka lang ba jo.”sabi naman ni roel sa dalaga. Samantala si henry ay bumalik sa kotse at may kinuha at iniabot kay natalie bagay na ikinagulat nito. “siya nga pala natalie, ito oh!tinake out namin ni roel iyong pagkain para sa inyo ni Jo.”sabi ni henry at sabay abot ng supot kay natalie. “thanks”maikling tugon nito. Di na rin nagtagal ang magkaibigan at nag paalam na rin ito upang umalis.
“ikaw natalie ha, ang sakit ng ginawa mo hah!”sumbat nito sa kaibigan. “at bakit sino ang nauna diba ikaw hehehehe!”sabi ni natalie sabay takbo papasok sa kanilang kwarto at hinabol naman siya ni Josephine. Samantala… “pare…kumustah si miss ganda sa iyo.?”tanong ni roel sa kaibigan, “sinong miss ganda?”sabi naman ni henry. “eh sino pa si natalie…ok siya diba pare bagay kayo hehehe….”pang aasar nito sa kaibigang si henry. “sira ka talaga wala ka nanaman inasar kundi ako.”sagot naman ng binata habang nakatingin sa dinadaanan. “hmmm pare himala ata kanina lang kita nakitang nag pabalot ng natirang pag kain hah.mukhang may kakaiba sa iyo hehehehe.”sabi ni roel habang kuha nito ng sigarilyo sa kaha. “si natalie ang sekretarya ko pare.”sabi ni henry sabay hablot nito sa stick ng sigarilyo kay roel. “hah talaga pare wow small world pare hehehhe! Kaya pala hah, nakasabay muna siya sa hapunan nuh, nagdate na siguro kayo kaya alam mo,pero ang titig mo sa kanya pare iba ha. May pag nanasa heheheh”pang aasar ni roel sa kaibigan. “akin na nga iyang sigarilyo.”balak pa sanang agawin ni roel ngunit tinapon na ito ni henry sa labas. “sira ka anung pag nanasa ka dyan. Teka nga bawal sa iyo ang sigarilyo kaya stop na ha okay..”utos ni henry.wala naman nagawa si roel kundi sundin si henry.

0 comments:


Post a Comment

Yanzloveangie