March 27, Friday araw kung saan napaka halaga ng araw na ito para sa mga studyante at mga magulang. Busy ang mga ito sa pag aasikaso ng kanilang mga anak habang si natalie ay busy naman sa pag aayos sa kanyang sarili. Hindi magkanda ugaga ang mga magulang kung anong gagawin sa araw na iyon ang iba ay dinala pa sa parlor ang anak upang maging maganda ito sa araw na iyon samantala si natalie ay simpleng make up lang ang kanyang ginawa sa sarili, kinulot niya ang mahaba niyang buhok at isinuot ang kulay maroon na simpleng gown na binigay sa kanya, hapit na hapit naman sa kanya ang damit na iyon at bagay na bagay sa kanya tinernuhan naman niya iyon ng simpleng sandals upang di naman siya mag mukhang katawa tawa sinuot din niya ang necklace na binigay ng ina. Pagharap ni natalie sa salamin ay halos di niya makilala ang sarili. Hmmm simple pero napaka elegante. Maya maya lamang ay tinawag na siya ni Josephine upang mag tungo na sa venue ng kanilang graduation. Napahanga naman ang kaibigan sa kagandahan ni natalie. “this is it friend. Congratulation.”sabi ni Josephine at ganun din si natalie sa kaibigan at nagyakap ang dalawa..sa wakas…“daddy ok ba itong suot ko?”tanong naman ng anak ni mr. baronman sa kanya.”yah of course ang ganda ganda mo anak.im proud of you.”sabi nito sa anak at sabay yakap. Tinawag naman sila ng asawa ni mr. baronman at sinabing mahuhuli na sila sa graduation, kaya dali daling umalis ang mga ito. Sakto naman ang dating ng mag anak ni mr. baronman sa venue ng graduation dahil marami ng tao at ilang minuto pa lamang ay mag uumpisa na ang seremonya. “natalie darating ba ang parents mo?”pabulong na tanong ni Josephine sa kaibigan.”hindi ko alam jo, siguro.”sagot naman ng dalaga.”oh mr.baronman andito ka pala,kumusta po?”sabi naman ni Josephine sa matanda ng matanaw niya itong papalapit sa kinaroroonan nila at may dalang bulaklak para sa dalawa. Isinabit naman ng matanda ang dala sa dalawang magandang dalaga at binati ito. Di na rin nakapag usap sina natalie at mr. baronman dahil nag bigay na ng go signal ang mc na mag uumpisa na ang seremonya kaya dali daling bumalik si mr. baronman sa kanyang pwesto. Isa isa nang tinawag ang mga pangalan ng studyante at pati magulang nito upang maglakad sa red carpet at ihatid ang anak sa upuan nito. Nasa kalahati na ng tawagin na ang pangalan ni Josephine kay umayos na ito at kumapit na sa braso ng kanyang mga magulang samantala ang kanyang kapatid naman ay panay kuha ng litrato para sa kanila. Malapit na si Josephine sa upuan nito ng bulungan niya ang magulang na gabayan din sa pag lalakad si natalie mamaya. Tumawag ulit ng ibang pangalan ang mc at sumunod naman si colline. Katulad ng ibang studyante ay kasama nito ang kanyang magulang sa pag lalakad, nagulat naman si natalie na anak pala ni mr. baronman si colline at ganun din si Josephine na halos nanlaki ang mata nito. “bakit kung makatitig ka malulusaw ako, nagagandahan ka sa akin nuh. Ganda ba ng gown ko binili pa iyan sa paris.”sabi naman ni colline. “hindi nuh, bat naman ako magagandahan sa isang bruha.”sagot ni Josephine sabay talikod kay colline.hindi naman pinansin ng dalaga ang sinabi ni Josephine dahil masisira lang ang make up niya kapag nagalit siya sa halip ay ngumiti nalang ito.maya maya ay si natalie na ang tinawag, kinabahan naman si natalie dahil mag isa lang siyang mag lalakad sa kahabaan ng red carpet. Nag umpisa ng ihakbang ni natalie ang mga paa niya ng biglang may humawak sa kanyang braso. “sorry late ako…”laking gulat naman ni natalie sa pag karinig sa boses na pamilyar sa kanya ang boses ng mahal niya. Di nga lang niya maamin sa sarili. “ ikaw, si…sir henry anong ginawa mo dito.”tanong ni natalie ngunit di na siya sinagot nito sa halip ay sinabi nitong maglalakad na sila. Tuwang tuwa naman si natalie dahil kahawak kamay niya ang isang lalaking mahalaga sa kanya at kasama pa niya sa mahalagang araw na iyo. Feel na feel naman ng dalaga ang paglalakad para ba siyang ikakasal, pakiramdam niya ay nakalutang siya sa ulap at may mga anghel na nag aawitan para sa kanya. Nang makarating na sa kanyang upuan ay nagpasalamat ang dalaga sa paghatid sa kanya ni henry , samantala sa kabila ng kasiyahan iyon ni natalie at may mga matang nakatitig sa kanya at nag ngingitngit na para bang gusto siya nitong sunggaban. Matapos ang pag upo ng mga studyante sa kani kanilang upuan ay nagsi tayo ang mga ito upang awitin ang pambansang awit at magpasalamat sa araw na iyon. Pagkatapos ay tinawag na ang mga studyante upang kunin ang kanilang mga diploma. Nang si natalie na ang tawagin ay dahan dahan itong tumayo at luminga sa likuran na para bang may inaantay na tao, sa pagkakataong iyong ay tinawag ulit siya ng mc na umakyat na sa stage at tanggapin ang dalawa.nag lakad ng dahan dahan ang dalaga hanggat marating ang kinaroroonan ng mga guro at ibibigay na sa kanya ang katibayan ng kanyang pagtatapos ng sekondarya. Tinanggap ni natalie ang diploma at pumunta sa harapan ng stage upang yumoko pagkatpos ay umalis na siya at pababa na ng hagdan. “congratulation anak….”sabi ng babae at sinalubong ang anak pababa ng hagdan. Nagulat naman si natalie at hindi nakakilos kaya lumapit ang kanyang mommy upang yakapin siya.sa pag kakataong iyon ay napa iyak ang dalaga dahil nayakap ulit niya ang magulang na kinasabikan ng mahabang panahon, buong akala nito ay hindi na ito dadalo sa kanyang graduation. “thanks mom,”niyakap na rin ni natalie ang ina at pagkatapos ay inihatid na siya nito sa kanyang upuan. Sobrang saya ni natalie dahil sa mga bagay na hindi niya inaasahang mangyari sa araw na iyon. Muli ay tinawag si natalie upang mag bigay ng kanyang salita bilang valedictorian sa buong klaseng iyon, umakyat ulit ang dalaga at nagsalita para sa mga kapwa studyante at mga magulang na umatend sa araw na iyon, nag pasalamat din si natalie sa mga guro na nagging pangalawang magulang niya sa paaralang iyon, sa mga studyante na nakasama niya, sa mga kaibigan niya, sa nag iisa niyang bestfriend, at sa magulang niya na dumating sa araw na iyon, tinawag niya ang kanyang ina upang ipakilala sa lahat. Dahil alam nito na simula fresh men ay hindi niya pinakilala ang magulang kaya nagkaron ngusap usapan tungkol sa kanya. Nagulat naman ang iba dahil kilala pala nila ang ina ng dalaga lalo na ang ina ni colline. Natapos din ang kanyang speech kaya bumaba na ulit ang dalaga at muli ay nag pasalamat. Nagpalakpakan naman ang lahat para kay natalie.
“hello ma’am charlotte…”bati naman ng ginang sa ina ni natalie. “its you mrs. Baronman how are you?”sabi ni mrs charlotte sa asawa ni mr.baronman.”good to see you again ma’am,hindi ko akalain na ang anak mo pala at anak kong si colline ay magkaklase.”sabi nito sabay hila sa anak nito at pinakilala naman ni mrs. Baronman ang anak kay mrs charlotte. “oo nga eh, ngayon lang kasi ako nag punta dito, kamustah ka iha?”sabi ni mrs. Charlotte kay colline. “ok naman poh mrs. Charlotte, kinagagalak ko po kayong makilala”sabi ni colline sa ginang.titig na titig naman si colline kay mrs. Charlotte, napakagada nito, di magkakailang mag ina sila ni natalie dahil mag kahawig ito. Maya maya lamang ay dumating na si mr. baronman at kasama si natalie. “daddy kilala mo siya.?”tanong naman kay mr. baronman ng anak. “oo, anak siya ang anak ni mrs. Charlotte ang may ari ng hotel na pinagtatrabahuan ko at ng mommy mo.”mahabang paliwanag ni mr. baronman.”ah kaya naman pala sabi ko familiar sa akin yang batang iyan, nagkita na kasi kami before bago sila pumasok ng kaibigan nya sa school.hello natalie.”bati naman ng ginang sa dalaga. Nagbigay galang din naman ang dalaga sa asawa ni mr. baronman. Samantala si colline naman ay tahimik lang na nakikinig sa isang tabi,hindi niya sukat akalain na ang lagi niyang inaasar na si natalie ay anak pala ng amo ng kanyang mga magulang. Sa pagkakataong iyon ay hindi tuloy niya alam kung paano titingnan si natalie ng harapan, napahiya kasi siya sa kanyang sarili masyado siyang mapagmataas nuon, hindi niya alam na may isang taong simple lang pero mas nakakangat pa pala sa kanya. Naisip niya na dapat hangaan si natalie. “colline”tawag ni natalie sa kaklase “congratulation…”sabay abot ni natalie ng kamay kay colline.”congratulation din sa iyo natalie, sorry ha..”hingi ng paumanhin ng dalaga sa kaklase. “wala iyon colline naintidihan kita..and wag na natin pag usapan yun pwede ba colline.. friends”sabay lahad ni natalie ng kanyang palad kay colline, iniabot din ni colline ang kanyang palad sa dalaga at nag shake hands sila,iyon na ang simula ng kanilang pag kakaibigan. Natuwa naman ang mga magulang nila sa dalawa, si mrs. Baronman, si mr.baronman at si mrs charlotte na ina ni natalie.
“jo, aalis naba kayo ng parents mo?”tanong ni natalie sa kaibigan. “oo magbabakasyon kasi kami nila mommy gift nila sa akin ikaw uuwi ka na ba sa inyo.?”tanong ni Josephine sa kaibigan. “oo sasama muna ako kay mommy but babalik din ako sa hotel para magtrabaho.”sabi ni natalie habang iniabot ang munting regalo nito para sa kaibigan. Natuwa naman si Josephine dahil talagang may regalo pa ang dalaga para sa kanya. Walang nabiling regalo si Josephine kaya hinubad nalang nito ang bracelet na binili pa niya sa Thailand para ibigay kay natalie.natuwa naman si natalie dahil nuon pa niya napapansin ang magandang bracelet na iyon ni Josephine. Pinakilala muna ni natalie ang magulang sa kaibigan pati na rin sa mga magulang nito bago umalis ang mga ito. Samantala hinahanap naman ni natalie si henry ngunit di niya ito Makita. Tinanong niya si roel pero di rin nito alam kung san nag punta ang kaibigan. Nag paalam sandali si natalie para mag punta sa comfort room, pagkalabas ni natalie ng comfort room ay nakita niya si henry na hinahalikan ng isang babae, oh si mylene ang kahalikan ni henry. bigla tuloy napahinto si natalie dahil sa nakita, at napatingin sa dalawa, tumingin naman sa kanya si henry at mag sasalita pa sana ngunit hinila siya ni mylene at hinalikan ulit.kaya walang nagawa ang dalaga kundi tumakbo palayo sa dalawa. Akala ni natalie napaka ganda na ng gabing iyon para sa kanya ngunit may di inaasahang bagay pa siyang natyempuhan. Haaayyy bakit parang nasaktan siya, parang pinipiga ang puso nya at bigla nalang siyang napa iyak sa sobrang sakit.. kinalma muna ni natalie ang sarili bago bumalik sa kinaroroonan ng magulang.
Habang nasa sasakyan papuntang hotel ay tunog ng tunog ang telepono ni natalie, “anak, may tumatawag sa iyo, bakit di mo kausapin?”nag aalalang tanong ng ina kay natalie. “don’t worry mom di naman importante ang tawag na iyan.”sabi ni natalie sabay off nito sa kanyang telepono. Nakita naman ng ina ni natalie ang kalungkutan sa mga mata ng anak kaya hindi na nito binusisi pa kung sino ang tumatawag alam nito na may malalim na dahilan ang dalaga sa hindi pagsagot sa kanyang telepono.
“mylene pwede ba tigilan mo na ako tapos na tayo diba.”naaasar na sabi ni henry habang mabilis na naglalakad papunta sa kanyang sasakyan.samantala panay naman ang habol sa kanya ni mylene. “sweetheart naman, bakit hindi mo na ba ako mahal.”habol nito sa lalaki sabay hila nito sa braso ni henry. huminto naman si henry at hinarap ang dalaga. “listen to me mylene, tapos na tayo at ayoko ko ng sumusunod ka sa akin.”sabi nito habang inalis ang kamay ni mylene na nakakapit sa kanyang braso.”bakit henry ha, may iba ka na bang mahal,at sino ang sekretarya mo ha. Ipagpapalit mo ako doon, isang hamak na sekretarya lang,at wow hah, highschool palang pala siya…bata na pala ang gusto mo ngayon”halos mangiyak ngiyak si mylene sa pagkakasabing iyon,at pinaghahampas si henry sa dibdib.”ano ba mylene, walang kinalaman si natalie sa pag break natin,sarili kong desisyon ito at ayoko ng lokohin ang sarili ko na mahal pa kita, kaya please I am begging you leave me alone.”pagmamakaawa naman ng binata sa dalaga. “hindi pa tayo tapos henry, hindi pa,humanda ka humanda ka, kayo ng babae mo……”sigaw ni mylene habang umiiyak at tumatakbo papalayo kay henry. “pare anong ngyari dun sa ex mo at parang nababaliw nag sisigaw.”tanong naman ni roel na bagong dating at nakasalubong si mylene at tiningnan lang siya nito ng masama. Kinuwneto naman ni henry ang pinag usapan nila ni mylene at kung bakit ito umiyak. Pinag sabihan naman siya ni roel na mag iingat sa babaeng iyon at baka totohanin ang banta sa kanya.para kay henry di siya natatakot sa bantang iyon ang kinakatakot niya ay baka gawan ng masama si natalie.
Yanzloveangie





0 comments: