Kinabukasan ay di pumasok si natalie sa school dahil may tinatapos syang presentation para sa meeting ni henry kay mr. lucas sa hapon. Di inaasahan ni natalie na pati iyon ay ipapagawa pa sa kanya ni henry na dapat sya ang gumagawa nito. Busy si natalie sa paggawa ng reports ng may dumating na di inaasahang bisita si henry. “hello! Sweetheart”bati nito sa binata at sabay halik nito sa labi ni henry. Biglang napayuko si natalie sa nakita dahil siya pa ang nahiya sa ginawa ng babae, hinalikan nito ang kanyang amo sa harapan pa mismo niya. Medyo naiinis naman si natalie at napatingin kay henry at parang gusto pa nito ang ginawa ng babae sa kanya sabagay sino nga ba naman ang lalaking tumanggi sa halik, at ang babae mismo ang nag umpise.dahan dahan inilayo ni henry ang babae sa kanyang harapan at buong takang tinanong ito kung ano ang ginagawa nito sa opisina niya. “hmmmm.. mukhang hindi ka masaya sa pagpunta ko dito sweety, tumatawag ako sa iyo hindi mo manlang sinasagot, nakakainis ka na.”sabi nito at mahinang sinuntok nito sa binata sa dibdib.sabay lambitin ulit nito sa binata at tangkang hahalikan na naman niya ito. “shhhhh.. stop it mylene, nakakahiya may tao sa harapan natin.”bulong nit okay mylene at sabay tingin kay natalie na nakita niyang busy sa ginagawa ang dalaga.”ah, so ikaw pala ang nakasagot ng tawag ko kahapon, may pagka bastos din pala itong sekretarya mo sweetheart,”sabi nito at nagtungo sa pwesto ni natalie. “now miss ngayon kilala mo na ako,galangin mo ako dahil girlfriend ako ng amo mo okay. Naiintindihan mo ba.”sabi pa nito sabay titig nito okay natalie, si natalie naman ay di kumikibo dahil ayaw niyang lumabas na bastos sa harapan ni henry, teka bakit nga ba na hihiya sya sa iisipin ni henry.hhmmm something fishy hah.akala nila ay aalis kaagad si mylene sa opisina ni henry sa halip ay umupo pa ito sa sofa at parang senyorita na nag utos pa. “sweety wala ba kayong kape dito, di manlang marunong mang alok ng kape ang sekretarya mo.” Sabi ni kay henry at saktong pasok ni Leticia at sya na ang nag presenta na magtitimpla ng kape. “no, ayaw ko sa iyo, sweety gusto ko ang babaeng iyon ang magtimpla.”hiling nito kay henry.nagkatinginan tuloy sina henry at Leticia sabay tingin kay natalie. Nasa tingin ni henry ang pag hingi ng despensya sa inaasal ng kanyang girlfriend. “ok wait po ma’am ipagtitimpla kopo kayo ng kape”sabi ni natalie sabay tayo at tungo sa mini kitchen, sumunod naman si Leticia sa kanya. “pasensya ka na dun sa bruha na iyon hah, dati ako ang gusto nya na magtimpla ng kape nya, “hingi ng tawad ni Leticia kay natalie.”okay lang iyon di naman ito big deal,teka hah dadalhin ko na ito kay ma’am mylene.”sabi ni natalie at nagtungo na sa kinaroronan ni mylene, tinimplahan din nya ng kape si henry. Wala naman reklamo ang binata sa halip ay pinuri pa nito ang kanyang tinimplang kape.bagay na ikinatuwa ni natalie,samantala. “yaakkss, ano bang klaseng kape ito napakatamis naman, ayoko nito, pde palitan mo.”reklamo ni mylene at nag inarteng diring diri sa tinimplang kape ni natalie, nagtimpla ulit ng kape si natalie binawasan niya ng konti ang asukal na tinimpla niya kanina, akala nya ay magugstuhan ito ng dalaga dahil sinabi ni Leticia kung anong klaseng timpla ang gusto ni mylene sa halip ay nag reklamo pa ito. Inihatid ulit nito ang tinimplang kape sa dalaga at paupo palang si natalie sa upuan niya ng. “eewww, di kaba marunong magtimpla ng kape hah, kape lang di mo pa matimpla ng maayos, anung klase ka ba ha.”panunutya na nito kay natalie.”honey enough!”sigaw ni henry dahil alam nito na nananadya na ang dalaga. biglang tumayo si natalie at kinuha ulit niya ang tinimplang kape.”uulitin ko nalang ang pag timpla, sorry ma’am”sabi ni natalie at bumalik ulit sa mini kitchen samantalang si Leticia ay masama na ang tingin kay mylene sa maling asal nito kay natalie.maya maya ay bumalik si natalie na dala ang tray.”ano naman ibig sabihin nito.?”tanong ni mylene kay natalie sabay turo sa bagay na dala niya.”ma’am ito po ang tasa, ito naman po ang sugar, coffe, and cream. And ito ang hot water. kung hindi niyo po magustuhan ang tinimpla ko ayan po kayo nalang po ang mag timpla ng kape nyo ma’am. Sige po may mas importante pa akong gagawin kaysa sa pagtimpla ng kape mo.”mahabang sabi ni natalie sabay talikod nito. hindi naman nakakibo si mylene dahil napahiya siya sa ginawa ni natalie. Hindi sya pinagtanggol ng kanyang boyfriend sa halip ay nakatingin lang ito.”bastos! di pa tayo tapos natalie.”sabay walk out nito at hindi na nag paalam kay henry. “sir di niyo po ba susundan ang girlfriend mo, sorry po.”magsasalita pa sana si natalie ng biglang hawakan ni Leticia ang kamay niya, di daw kasi ugali ni henry ang humabol sa kanyang girlfriend pag nag wa-walk out ito. Tuwang tuwa naman si Leticia sa ginawa ni natalie dahil first time lang nya nakitang mapahiya ang kinaaasaran nilang girlfriend ng kanilang amo. Maghapon silang magkasama ng amo nya sa loob ng opisina ay hindi man lang siya nito kinakausap, hindi sila mag uusap pag hindi dahil sa trabaho. Quarter to 4 na ng maggayak si henry paalis at papunta sa kanyang appointment ng ayain nito si natalie, “natalie sasama ka sa akin makipagkita kay mr.lucas.”sabi ng binata.”hah! ahmm ok sir ayusin ko lang po itong gamit ko.”nabiglang sabi ni natalie dahil hindi niya inaasahan na isasama siya ng kanyang amo sa lakad nito. Sa loob ng sasakyan ay walang imik ang dalawa, nabasag lang ang katahimikan ng tumunog ang phone ni natalie. “hello, who’s this?”tanong nito sa kabilang linya.”oh!mr. baronman”pagkarinig sa pangalan ni mr. baronman ay tumingin sa kanya si henry, nagtaka si henry bakit tumatawag ito sa kanya.”okay po mr.baronman pupunta nalang po ako sa opisina niyo bukas, thank you so much po bye”paalam ni natalie.hindi alam ni natalie na iba ang iniisip ni henry sa tawag na iyon ni mr. baronman. Bakit naiinis si henry, kanino? Nag seselos ba siya. Makalipas ang ilang oras ng byahe ay narating din nila ang meeting place.pagkapasok palang ay nakita agad nila si mr. lucas na nag aantay sa kanila. “hello mr.lucas how are you?”bungad agad ni henry sa matanda. “hi din henry,kamusta? Ganda ng girlfriend mo ah”bulong ng matanda kay henry na nagpangiti sa binata. Namula naman si natalie dahil narinig nito ang binulong ng matanda.” “hmm. Mr. lucas siya nga pala ang bago kong sekretarya siya si miss natalie.”pakilala ni henry sa dalaga kay mr lucas. Nagbigay galang din ang dalaga sa matanda.”oh,.you are beautiful young lady. Have a seat.”alok nito sa dalawa. Nagulat naman si natalie dahil hinila ni henry ang kanyang upuan at pinauna siya nito pinaupo, habang paupo siya ay tiningnan niya ang binata at nagpasalamat. Natuwa naman si natalie dahil sa pagka gentleman ng binata sa kanya. Ganun pala ang feeling sabi ni natalie sa sarili. Pagkatapos kumain ng tatlo ay nag usap na ito tungkol sa proposal ni henry kay mr. lucas. Si mr.lucas ang isa sa pinakamayaman sa kanilang bansa, marami itong mga business na itinayo sa ibat ibang lugar, especially resorts. Kaya naisip ni henry na kausapin ang matanda tungkol sa kanyang idea. Balak ni henry na magshare sa gagawing bagong resort ni mr.lucas sa subic. Ang subic ay napapalibutan ng dagat at alam nito na marami ang turistang nagpupunta duon. Maganda ang inihandang proposal ni natalie at ni henry bagay na nagustuhan ni mr.lucas pumayag ito sa balak ni henry at sa susunod na buwan ay magpipirmahan na ang mga ito ng kontrata pagkagaling ni mr. lucas sa korea. Pag katapos ng kanilang usapan ay nagpaalam na si mr.lucas sa dalawa at nauna na itong umalis sa kanila buo naman ang kagalakan ng dalawa dahil sa ganda ng kinalabasan ng ginawa nila. Magpapa alam na rin sana ang dalaga na umuwi ngunit hindi muna ito pinayagan ng binata sa halip ay dinala niya ito sa ibang lugar para icelebrate ang magandang ngyari ngayong gabi. Dinala ni henry ang dalaga sa paborito nitong lugar. Seafood restaurant, isa ito sa paboritong puntahan ng lalaki, kapag gusto nitong mapag isa at magi sip ay dito siya pupunta, gusto din ni henry ang ambiance ng restaurant na ito dahil katabi ito ng dagat makikita mo ang magandang tanawin ng dagat. Busog na busog si natalie kaya hindi na nito naubos ang kanyang pag kain,”ahh.. sir pwede ko ba ipabalot ito di ko naman po kasi naubos sayang naman kasi.”sabi ni natalie sa kanyang amo.nagulat naman si henry sa dalaga dahil alam nito mag tipid. Hindi nga lang katulad ng mga nakilala niyang babae.pinabalot ni henry ang pagkain ni natalie at nag order pa ito ng isa para sa kaibigan nito.bagay na ikinatuwa naman ni natalie.palabas na ng restaurant ang dalawa ng makasalubong nila si mylene na may kasamang ibang lalaki. Hindi naman pinansin ng lalaki ang girlfriend nagtinginan lang ang mga ito na parang di magkakilala. Nang makarating na sila sa sasakyan ni henry at binuksan nito ang pinto at pinaunang pinasakay si natalie pagkatapos ay nagpunta na si henrys a driver seat upang paandarin ang kotse at ng maihatid na ang dalaga sa uuwian nito. Nang makarating na ito sa tapat ng dorm nila natalie ay dina ito inalok ang binata dahil bawal sa kanila ang magpapasok ng lalaki sa loob ng kwarto nito. “ahm sir maraming salamat po sa dinner and dito sa take out.”pasalamat ni natalie sabay taas ng supot ng pagkain. “walang anuman natalie, anu kaba henry nalang ang itawag mo sa akin pag wala na tayo sa opisina ok. Maraming salamat din sa laki ng tulong mo. Sige na at bukas may pasok ka pa.”sabi ni henrys a dalaga.”ok sir este henry pala, ingat po sa pag maneho gudnyt po see you tomorrow.”sabi nito sa binata sabay labas ng kotse ni natalie.
Yanzloveangie





0 comments: