Be My Guest

Post info

Labels:


Comments 0


Author: loveangie



Kinabukasan sa kanyang opisina ay nakatanggap na naman siya ng bulaklak at chocolate sa kanyang mesa, nag sasawa na si natalie sa laging ganon pag darating siya sa kanyang opisina, dahil sa inis sa misteryosong lalakeng laging nagpapadala ng bulaklak ay itinapon nalang ito ni natalie at hindi na binasa pa ang card na nakalakip doon at ang chocolate naman ay binigay nalang niya sa kanyang sekretarya. "hi sir henry magandang umaga poh, sir chocolate poh gusto nyo."alok ng sekretarya ni natalie kay henry. "no thanks, sino nag bigay ng chocolate na iyan?"tanong naman ng binata sa sekretarya, sinabi ng dalaga na galing kay natalie ang chocolate na iyon, hindi na kumibo ang binata at sinabi nito sa sekretarya na papasok ito sa loob ng opisina ng dalaga. pag pasok ni henry ay laking gulat nito ng makita ang mga magagandang bulaklak sa basurahan nito, hindi namalayan ni natalie na naroon na si henry sa loob ng kanyang opisina at hindi nito nagawang batiin man lang ang binata. samantala si henry ay hindi na rin tumuloy upang kausapin ang dalaga, bagkos ito ay umalis nalang na masama ang loob, wala na talaga siyang kahit konting pag asa man lang sa dalaga.
"good evening maam this way poh!"malugod na pag salubong sa kanya ng waiter at dinala siya nito sa kinaroroonan ng kanyang date. pag kakita sa kanya ni mr, x ay agad na tumayo ang binata at inimbitahan siya nitong maupo. "how are you beautiful lady?" tanong ng misteryosong lalake sa dalaga. "okay lang naman ako mr. ikaw pala ang nagpapadala ng mga bulaklak sa aking opisina maraming salamat."sabi ng dalaga. "you look familiar?"dugtong nito.”yap mis natalie, nagkita na tayo before, sa isang okasyon sa bahay ng mga baronman, isa ako sa mga bisita,at isa din ako sa humanga sa iyong kagandahan that time,"paliwanag ng binata. sinabi ni natalie na naalala na niya ang binata, ito din ang nag aya sa kanya upang sumayaw.naging okay naman kay natalie ang date na iyon, nakilala niya ang binata na laging nag papadala ng bulaklak sa kanya, hmmmm desenteng tao, at gentleman. nakagaangan na rin ng loob ni natalie habang kausap ito, may sense of humor at matalino din. matapos ang ilang oras na pag kwentuhan ay nagpaalam na rin si natalie na umuwi na dahil marami pang trabaho na tatapusin bukas, tinugon naman iyon ng binata. palabas na nang nasabing restaurant sina natalie nang makasalubong isang taong mahalaga sa kanyang puso na may kasamang ibang babae.nagulat naman si natalie, sino ang babaeng iyon, at laking taka din ni natalie ni hindi man lang siya binati ng binata, tiningnan lang siya nito na parang hindi kilala at pumasok na sa loob ng resto.
Samantala habang nag aantay si natalie sa pagbukas ng elevator ay naisip niya ang ng yari kagabi, bakit ganun si henry, parang di siya kilala nito, bakit may kasama itong ibang babae, pano si colline? ang daming tanong sa isip ni natalie na hindi nya alam kung panu masasagot,well bakit nga ba sya nagiisip masyado sa lalakeng iyon,kung di siya pinansin ay di rin nya ito papansinin.ouch para ata silang mga bata hehe!! tulad ng araw araw na nangyayari kay natalie sasalubong kaagad sa kanya ang magagandang mga bulaklak sa kanyang mesa. kinuha agad ito ni natalie ay nilanghap ang bango nito, binasa ang munting card at nakasulat doon ang pasasalamat ni mr x sa pakikipg kita sa kanya kagabi lamang. inayos ni natalie ang nasabing bulaklak at inisprayan ito upang lalong maging maganda. wala naman masama kung bibigyan nya ng pagkakataon ang bagong kaibigan na lalo pang makilala. Samantala, habang inaayos ni natalie ang nasabing mga bulaklak ay bigla nalang dumating ang di inaasahang bisita. "kumusta ka magandang binibini," sabay abot nito ng munting regalo kay natalie,"hi hindi ko inaasahang ikay paparito sa aking opisina, sana man lang ay tumawag ka ng mapag handaan ko ang iyong pagdating salamat sa munting regalong binigay mo sana di kana nag abala pa..."sabi ni natalie habang inihinto muna nito pansamantala ang kanyang ginagawa at lumapit sa kanyang bisita. kinamusta naman siya ng kanyang bisita at inalok na managhalian kasama nya, pagkatapos ng kanilang maikling pag uusap ay nag paalam muna pansamantala ang lalakeng kanyang bisita at sinabi na me pupuntahan pa ito. nagset ng oras ang matanda at sinabing aantayin na lamang niya ang dalaga upang makasama sa tanghalian.
"magandang umaga henry,! " sabi ng matanda at lumapit kay henry. dahil sa narinig ay napatingala ang binata at nabigla sa di inaasahang panauhin."oh! mr. baronman. how are you sir? im glad to see you again, im not expecting you that you will come in my office, have a seat sir." inaya nitong umupo ang matanda upang makausap."well, im just drop by to invite you for lunch, its been a long time that we can’t hang out together"tugon nito."can i get you something sir, what would you like to drink? coffe or wine?" tanong nito sa matanda at aktong tatayo na si henry ngunit siya ay pinigilan ng matanda."no, dont bother, di rin ako magtatagal, magkita nalang tau mamaya gusto kita makasabay sa tanghalian at pag katapos nun ay bibisitahin ko rin ang aking anak, di niya rin alam ang aking pag parito, balak ko rin siyang surpresahin sa aking pag babalik." maya maya lamang ay nagpaalam na ito kay henry.
Alas 12 ng tanghali ay nasa nasabing restaurant na si natalie, at nakita agad nito ang kanyang hinahanap."magandang tanghali mr. baronman"bigay galang ni natalie sa matanda."natalie your here thanks at dumating ka maupo ka iha." tumayo si mr. baronman bilang pag respeto sa bagong dating na dalaga. tuwang tuwa naman si natalie dahil kasabay niya sa pananghalian ang tinuring na pangalawang ama. maya maya lamang ay dumating na naman ang isa pang bisita ni mr. baronman walang iba kundi si henry. dahil sa pag ka bigla ay di nakapag salita ang dalaga, di nito inaasahan na inimbitahan ni mr. baronman ang binata, nakalimutan nito na dati palang mag katrabaho ang dalawa kaya dapat ay inasahan na niya ito. naging sibil naman si natalie at binati nito ang binata. napansin agad ng matanda ang malamig na pag tugon ng binata sa dalaga, naisip nito na maaring may problema sa pagitan nang 2 kaibigan. inalok na ng matanda ang dalawa upang mag order na nang kakainin sa kanilang pananghalian, habang kumakain ang tatlo ay nagkwento naman si mr. baronman sa mga magandang nangyari sa kanya simula ng magbitiw ito sa kumpanya nila natalie at nagtayo nang munting negosyo sa kanilang lugar kasama ang kanyang asawa. laking pasasalamat ng matanda sa parents ni natalie dahil sa laki ng naitulong nito sa kanyang buhay kaya ganun na lamang ang kanyang pagpapahalaga sa dalagang si natalie.habang kumakain naman si natalie ay di nito maiwasan ang di sumilip sa kinauupuan ng binata, nakaw tingin niya itong pinag masdan at nasa kanyang mga mata ang labis na pagtataka bakit ganun na lamang ang pagiging malamig ng binata sa kanya, samantala dahil sa katahimikan ng dalawa ay..."eheeemm....excuse me pupunta lang ako sa bathroom."sabi ni mr. baronman.tumayo ang matanda at nagtuloy ito sa bathroom, ginawa nyang alibi ang pagpunta dun para bigyan ng pagkakataon ang dalawa na makapg usap at mukhang may dapat ayusin ang mga ito.si henry naman ay patuloy sa pagsubo ng kanyang pagkain.si natalie naman ay di nakatiis at ito na ang unang nagsalita."eheem..."piling ni natalie ay may bumara sa kanyang lalamunan.dahil sa narinig ni henry na pag ehem nito ay tanging nasambit nito ay."if you want to excuse you may go, go to bathroom.” diretsong sabi nito."nope, im not going anywhere, teka nga bakit ba ang sungit mo hah.parang nasamid lang ang tao masyado ka namang affected dyan."sabi ni natalie sa lalake."no, im not affected and why should i? i dont care whatever you want to do or want to say."sabi ni henry at nagsusungit pa din. papatulan na sana ni natalie ang binata ngunit biglang dumating si mr. baronman, sa pag balik ni mr. baronman ay agad na nagpaalam ang dalaga sa matanda at idinahilan nalang nito na may mahalagang aasikasuhin sa opisina,nagawa nitong mag sinungaling sa matanda pero ang katotohanan ay hindi na niya kaya pang tagalan ang pag stay dun at baka mag away lang sila ni henry.wala naman nagawa ang matanda kundi ang pumayag sa gusto ni natalie balak sana siya nitong ipahatid kay henry ngunit tumanggi ang binata at sinabing may dadaanan pa itong kaibigan bagay na lalong ikina init ng dugo ng dalaga.sinabi nalang ni natalie na kaya niya ang mag isa pabalik sa opisina at ayaw magkaron ng utang na loob kaninu man lalong lalo kay henry.muli ay nag pa alam na ang dalaga at humalik sa pisngi ni mr. baronman at di na nito ginawa pang sulyapan ang kinaroonan ng binata dahil lalo lang siyang masusuklam.
Pag kadating sa opisina ni natalie ay agad itong tumawag kay mr. baronman at humingi ng despensa sa ginawang pag alis kanina bagay na naunawaan naman ng matanda at sinabing iimbitahan ulit niya ito sa dinner sa susunod na mga araw bago bumalik sa kanilang lugar at malugod naman itong tinanggap ng dalaga.nararamdaman ni natalie habang kausap ang matanda na gusto nitong magtanong about sa kanilang 2 ni henry kaya nag paalam na ito at baka di nya lamang masagot ng maayos ang matanda.
Samantala sa bahay nila colline ay..
"dingdong!"...."letty can you please open the door.."sabi ni colline sa katulong, dahil busy sa pag hahanda ng mirienda para sa anak nito."yes mam"tugon ng katulong. pinatuloy naman ni letty ang bisita at muli ay isinara ang pinto."hmm....mukhang busy ka?"sabi ng bisita..nabigla naman si colline kaya agad itong tumingala at tiningnan kung kanino galing ang pamilyadong boses na iyon."i knew it.hehehe"sabay takbong lumapit sa kinaroroonan ng bisita.."how are you daddy its good to see you again i miss you dad, weres mom, why di mo sya kasama? ikaw lang ba mag isa? anung oras ka nakarating.?"sunod sunod na tanong nito sa kanyang ama."opss,,take it easy my dear, isa isa lang ang dami mo agad tanong hehe."pagpapatawa ni mr. baronman. isa isa namang sinagot ng matanda ang tanong ng anak at ngayon sya naman ang nagtanong sa dalaga."asan ang apo ko?"sabay haligap kung san man naroroon ang bata.sinabi ni colline na di pa dumarating ang apo nito mula sa skwelahan at ito busy sya sa pag hahanda ng miryenda para sa pag babalik ng kanyang anak dahil alam nito na gutom ito pagkagaling sa paaralan,inaya ni colline ang ama upang maupo.masayang nag kwentuhan ang mag ama at kinamusta naman ni colline ang ina at sinabi ng kanyang ama na busy ito sa pag aasikaso nang kanilang negosyo.sabik na rin makita at mayakap ang ina kaya laking pang hihinayang nito na di ito kasama ng kanyang ama, kaya naisip nalang ni colline na sa darating na summer ay mag babakasyon ito kasama ang kanyang anak. dahil sa tagal na di pag kikita nilang mag ama ay ang dami nilang pinag usapan, masaya malungkot at kung anu anu pa. nasa ganoong silang eksena ng bigla na lamang ng bukas ang kanilang pintuan at narinig nila ang ingay na nag gagaling sa labas, walang iba kundi ang anak nito na nakikipag harutan. "mom im home."sigaw ng bata at patakbong tinungo ang kanilang sala. nagulat naman ito ng makita ang kanyang lolo kaya tumakbo ito palapit sa matanda at sabay yakap nito. maya maya lamang ay si henry naman ang sumunod na pumasok mula sa labas at dala nito ang bag ng anak ni colline. nag bigay galang ito sa matanda at naupo sa sofa sabay lapag ng gamit ng bata. samantala si colline naman ay pansamantalang nag paalam sa tatlo upang mag handa ng makakain. habang wala si colline ay nagtanong naman ang matanda kay henry na kaya ba di nito nagawang ihatid si natalie dahil susunduin pala nito ang anak ni colline, sumagot naman si henry at sinabong oo, un lamang at sinang ayunan nalang nito kung anu ang nasa isipan ng matanda dahil ayaw nito na mag isip pa ng kung anu si mr. baronman sa pagitan nila ni natalie. dahil sa sagot na yon ni henry ay tinitigan siya ng matanda, dahil alam ni mr. baronman na mahal na mahal nito ang dalaga, bakit ngayon na mag kasama na sila ay di nito magawang ilapit ang sarili sa dalaga, pakiramdam ng matanda ay may kung anung problema between sa dalawa at sana ay maayos iyon agad.
“Natalie..” tawag ng isang babae mula sa bilihan ng mga prutas. Nilingon ni Natalie kung sino ang nag mamay ari ng boses na iyon at nakita niya si colline kasama ang anak nito na namimili ng prutas, aktong palapit na ang dalaga sa kinaroroonan nang mag ina ay laking gulat nito na biglang may dumating na lalake at humalik kay colline at sa anak nito sabay karaga nito sa batang lalake, hindi magawang mag tanong ni Natalie sa nakita at ito ay napangiti na lamang sa dalawa. Samantala ay ipinakilala naman ni colline ang nasabing lalake kay Natalie, sinabi niya na ito ang kanyang ex husband, ngunit ngayon ay mag kasama na ulit ang dalawa dahil na settle na nila ang kanilang problema dati at nandoon pa rin ang pagmamahal nila sa isat isa, biglang napahiya si Natalie sa kanyang sarili at namula ito bagay na napansin ni colline sa dalaga kaya tinanong nito kung ano ang dahilan, pinaalam naman ni Natalie na ang buong akala niya na asawa nito ay si henry dahil nakita nito noon ng panahon na bagong dating siya ang sweetness ng dalawa pati ang pag care ni henry sa anak nito, natawa nalang si colline sa sinabi ng dalaga at pinaliwanag nito na walang namagitan sa kanilang dalawa ni henry, oo, may pag nanasa si colline sa binata ngunit iyon ay hanggang pangarap lang dahil iba ang tinitibok ng puso ni henry. Dahil sa narinig ay bigla nabunutan ng tinik ang dalaga at bigla nalamang na guilty sa pag iisip ng di maganda. Nag paalam na si Natalie sa mag asawa at sinabing may pupuntahan pa ito.

0 comments:


Post a Comment

Yanzloveangie