“natalieeeeeeeeeeeeeeee…….”sigaw ni henry, hingal na hingal si henry at pawis na pawis ngmagising isang bangungot lang pala akala na niya totoo. Pag tingin sa orasan ay pasado alas tress palang ng umaga, kay sama ng panaginip na iyon. Si natalie humihingi ng tulong, nakapiring ang mga mata nito at pilit siyang inaabot ngunit bigla nalang naglaho ang dalaga sa dilim at boses nalang ang narinig nito na sumisigaw.nasa malalim na pag iisip ang binata ng bigla nalang nag ring ang kanyang telepono.”hello,colline napa tawag ka? May balita na ba kay natalie?” tanong nito sa kaibigang lalaki. “wala pa akong balita henry pero, napanuod ko sa news na may isang babae bandang puerto na kinidnap nung nasa palengke ito, sinasabi nila na ang pangalan ng babae ay natalie ngunit wala pang larawan na pinakita kasi nga hindi taga roon ang dalaga.”mahabang sabi ni colline sa binata, napag isip isip nila n hindi kaya si natalie ang nasa balitang iyon pero bakit naman ito dudukutin ng mga armadong lalake wala naman inagrabyadong tao ang dalaga.”okay colline salamat sa inpormasyon, mamaya luluwas ako ng puerto aalamin ko ang buong pang yayari.” Matapos ang usapang iyon ay nag paalam na ang dalawa upang matulog na ulit dahil alanganing oras pa, ngunit si henry ay hindi makatulog sa kaiisip kay natalie,asan ka na ba natalie.? Oh! Diyos ko huwag mo po pahintulutan na may masamang mangyari kay natalie. Tanging nasambit ni henry ng mga oras na iyon.
Naghahanda na si henry sa pag alis ng may bigla nalang tumawag sa kanya.”henry, gusto kita makausap mag kita tayo sa coffe shop mamaya pag ka dating ko dyan im on my way na.”sabi nito sa binata. Sinabi naman ni henry na paluwas sana ito ng puerto para alamin ang ngyari kay natalie ngunit pinigilan na siya ng binata at sinabing wala rin mang yayari kung pupunta pa siya doon at sinabi nito na antayin nalang ang tawag nito mamaya pag kadating galling sa biyahe. Sinunod naman ni henry ang bilin ng misteryosong caller nito at sinabi na mag aantay nalang ito ng kanyang tawag. Pag katapos noon ay bumalik na sa loob ng bahay si henry at nagtungo sa kanyang mini bar upang uminom ng alak ng sa ganun ay makalimot ng kaunti.
“bitiwan niyo ako ano ba nasasaktan ako.”pagpipiglas ng dalaga sa pagkakahawak sa kanya,”sumunod ka nalang miss kung ayaw mong masaktan lalo.”sabi ng lalake na may hawak kay natalie.”san niyo po ba ako dadalhin, ano ba ang kasalanan ko sa inyo?”tanong ni natalie sa mga ito.”dadalhin ka naming sa isang kaibigan, wala kang kasalanan sa amin napag utusan lang kami, andito kami para sumunod sa utos ng amo naming kaya pasensya kana.”mahabang sabi ng lalake kay natalie.
“well, well, well, your finally here natalie.” Sabi ng isang babae na di naman matukoy ni natalie kung sino dahil nakapiring ang mga mata nito.”do you still remember me natalie?”sa sinabing iyon ay bigla inalis nito ang piring sa mga mata ni natalie, laking gulat naman ng dalaga sa nakita kung sino ang nasa likod ng pag kidnap sa kanya.”mylene” ayon lang ang tanging nasabi ni natalie. Humalakhak naman si mylene dahil sa nakitang pag kagulat ni natalie dahil sa nalaman na siya ang nag pa kidnap sa kanya.”long time no see natalie, hindi ka ba natutuwa at nakita mo ako hmmmm”sabay himas sa pisngi ng dalaga.”huwag mo akong hahawakan”sabay dura naman ni natalie sa pisngi ni mylene, dahil sa galit ay sinampal nito ang dalaga. Ramdam naman ni natalie ang matinding kirot na dulot ng sampal na iyon, first time sa buong buhay niya na may sumampal sa kanya.”wala ka ng magagawa natalie hawak kita sa palad ko kaya kung ano man ang gusto ko ay siyang masusunod..”sabi nito kay natalie. Sabay utos sa mga tauhan nito na ibalik na sa bodega ang dalaga at ikulong doon.sinunod naman agad siya ng tauhan.
“mr. del area?”tanong ng binata kay henry.”yes!”tugon nito.”ikaw ba ang tumatawag sa akin?” tanong ni henry sabay alok nito na maupo ang binata sa kanyang harapan.”oo ako iyon,pasensya kana kung ngayon lang ako nakipag kita sa iyo may importanteng bagay lang ako na sasabihin sa iyo, tulungan mo ako hanapin si natalie, hawak siya ni mylene ngayon, sinubukan kong kausapin si mylene ngunit napaka tigas nito.”mahabang paliwanag ng lalake kay henry. Sinabi ni henry na handa siyang tumulong para mahanap lang si natalie, lahat ay gagawin niya para sa dalaga. Bagay na kinatuwa naman ng kausap dahil alam nito kung gano kamahal ng binata ang kaibigang si natalie. Nag plano ang dalawa kung ano mang aksyon ang gagawin upang matagpuan ang dalaga, una ay pinaalam nito sa batas ang nangyaring pag kidnap, tinugon naman sila ng pulisya at sinabi ng dalawa na handa silang maki pag cooperate para mahanap agad ang dalaga.
“henry, honey akala ko hindi ka darating,halika maupo ka rito pinag luto kita nang paborito mo.”alok ni mylene sa binata. “pasensya kana nahuli ako ng dating ang daming trabaho sa opisina ngayon,”paliwanag ni henry habang niluluwanangan nito ang kurbata na suot, pakiramdam niya ay di siya makahinga. Lumapit naman si mylene at minasahe ang kanyang balikat at sabay yakap nito sa binata.”yah alam ko na pagod ka kumain na tayo aalisin ko ang pagod mo pag katapos nito”pag lalambing ni mylene sa binata. Kumain na ang dalawa ng hapunan, tahimik na sumusubo si henry habang nag iisip, kailangan gawin niya ito, kailangan malaman niya kung asan tinago ni mylene si natalie. Matapos ang hapunan ay inaya ni mylene ang binata sa terasa upang uminom ng alak, binigyan ni mylene ng isang kopita ng wine ang binata at lumapit ito dito at sinabing cheers, cheers dahil mag kasama sila sa gabing iyon, tumugon naman ang binata sa sinabi ni mylene at sabay lagok nito ng nasabing wine. Samantala si mylene naman ay yumakap kay henry at sinabi nitong mahal na mahal niya ang binata at kahit ano ay gagawin nito para lamang makasama ang binata sa buong buhay niya. Ngiti lang ang tugon ni henry sa mga sinabi ni mylene dahil ang buong katotohanan ay kinasusuklaman niya ang dalaga. “kailangan ko na umuwi may aayusin pa akong mga report for tomorrow.”sabi ni henry sa dalaga. Aktong hahalikan na ito ni mylene ngunit umiwas ang binata at ssinabi nito na uuwi na ng bahay, nainis naman si mylene sa ginawa ng binata ngunit wala ito nagawa kundi ang payagan ito dahil nga dahil sa trabahong gagawin, ang hindi alam ni mylene ay nag sinungaling lang ang binata sa kanya nais lang nito umiwas sa balak na mangyari ni mylene sa gabing iyon.
“miss kumain kana, ilang araw ka nang di kumakain baka mag kasakit kana niyan.” Pag aalala ng bantay ni natalie sa bodega. Samantala si natalie naman ay hindi kumikibo at nakatingin lang sa labas ng bintana. Dahil walang nakuhang sagot ang lalaki ay hinayaan na lang nito si natalie at iniwan ang pag kain sa mesa nito.”pare ayaw pa rin kumain ng babae,”sabi nito sa kasamahan.”hayaan mo siya kung ayaw niya ang arte niya siya na lang pinapakain ayaw pa. sige na bumalik kana sa pwesto mo.”utos nito sa kasamang lalaki. Napakamot nalang ng ulo ang binata na nag aalala kay natalie dahil sa tugon ng kausap. Samantala si natalie naman ay nakatulala lamang na tila nag iisip ng kung anong bagay, kailangan niya makatakas sa lugar na iyon, kailangan niya bumalik kay henry kailangan niya tuparin ang mga pangarap niya.pangarap na makasama si henry.hindi siya susuko, hinding hindi kahit anong gawin ni mylene sa kanya wala siyang paki alam ang mahalaga sa kanya siya ang mahal ni henry at hindi si mylene.dahil sa naisip ay napangiti ang dalaga.matatapos din ang lahat ng pag hihirap mo natalie.tanging sambit na lang ng dalaga sa sarili.
“henry wala pa rin ba balita kay natalie?”tanong ni colline sa kaibigan,”nag aalala na ako ng husto baka kung ano ano na nangyari sa kaibigan natin.”sabi ni colline habang kausap sa telepono ang binata.sinabi ni henry na alam na niya kung sino ang kumuha kay natalie at nabigla naman ang dalaga sa nalaman, sinabi rin nito kung ano ang plano niya, plano niyang bantayan ang bawat kilos ni mylene upang matunton ang kinaroroonan ni natalie, walang ibang nabanggit si colline dahil sa pag kabigla kundi ang salitang mag iingat ka henry.kahit paano ay may inpormasyon na rin nalaman si colline at lubos siyang natatakot sa maaring gawin ni mylene sa dalaga kaya pinag dasal na lang nito na sanay ay mahanap agad ang kaibigan.”mommy, bakit malungkot ka?”tanong ng anak ni colline habang kinakalabit siya nito at nakatingin sa kanya, buong higpit naman na niyakap ni colline ang anak at sinabi nito na okay lang siya at huwag mag alala. “colline, anong nangyari?” tanong naman ni Josephine na nag balik galing America at buong higpit na niyakap ang kaibigan dahil sa ito ay napa iyak na sa sobrang pag aalala.” Hedrick mag laro kayo ni trish sa room mo diba sabi mo may bibigay ka sa kanya.”sabi ni colline sa anak upang di marinig kung ano man ang pag uusapan nang dalawa.”yes mommy, trishh halika dun sa room ko, tita mag lalaro lang kami ni trish hah,”magalang na paalam ni Hedrick kay jo at sinang ayunan naman iyon ng babae.pag ka alis ng dalawang bata ay na upo ang dalawa sa sofa at pinag usapan na ang problema, bumalik agad si jo pag kagaling sa America dahil nasa maayos nang kalagayan ang kanyang mother in law at nabalitaan niya na may nang yaring masama kay natalie kaya pinayagan naman ito agad ni roel, at sinabing susunod ang asawa pag katapos ng huling therapy ng mommy nito. Pinaliwanag ni colline ang buong detalye kay jo at galit na galit naman ang dalaga kay mylene.hindi inaasahan ni jo na mangyayari ito sa kaibigang si natalie.pinaalam din ni colline kay henry ang pag dating ni jo at ng anak nito at natuwa naman si henry sa nalaman handing tumulong si jo para mahanap din ang kaibigan, handa siya mag bayad ng malaking halaga kung sino man ang makakapag turo sa kinaroroonan ng kaibigan.
“ano natalie gusto mo ba na patayin agad ang sarili mo sa gutom?” sabi ni mylene kay natalie dahil nalaman nito na di pa pala kumakain ang dalaga.” Kahit masamang tao ako natalie naawa pa rin ako sa iyo kaya ayan pinag handa pa kita ng masasarap na pag kain tapos di mo kakainin,hayaan mo na subuan kita.”sabay dakot ni mylene ng pagkain at pilit na pinapakain kay natalie.umiiwas naman si natalie sa pag subo ni mylene at di binubuka ang bibig nito, samantala si mylene naman ay panay dakot sa pagkain ni natalie at pilit na sinusubo sa kanya kahit mag kanda tapon na ito sa damit ng dalaga. Sa inis ay kinuha nito ang tubig at binuhos sa pag mumukha ni natalie. Akmang susubuan na ulit siya ni mylene at binuka ng dalaga ang bibig at tinanggap ang pagkain na sinusubo ni mylne pagkatapos ay bigla nitong ibinuga sa pag mumukha ng dalaga, sa galit ay sinampal niya ng kaliwat kanan si natalie at pinag sasabunutan, “walang hiya ka wala kang galang.ummpp ito bagay sa iyo” at sinipa nito si natalie. Tikom ang bibig ni natalie at tinanggap kung anu man ang gawin sa kanya ng dalaga dahil para sa kanya wala ang sakit na iyon kumpara ng sakit sa puso na naranasan niya ng mag kahiwalay sila ni henry.tinigil ni mylene ang pananakit kay natalie dahil sa may natanggap na tawag galing kay henry.”hello honey napatawag ka, ano gusto mo magkita tayo, okay saan. Suree darating ako, I love you.”sabay baba nito ng phone at baling kay natalie at humahalakhak palayo sa dalaga.totoo kayang si henry ang tumawag kay mylene pero bakit? Kasama ba si henry sa mga plano ni mylene, uhhhh ang sakit ng sobra ng ulo ni natalie para mag isip pa nang ganun.
“miss, kumain ka na, ito dinalhan kita ng gamot alam ko na masakit ang katawan mo, please sumubo ka kahit konti tapos inumin mo ito, itago mo hindi nila alam na dinalhan kita ng gamot.” Sabi ng lalaki kay natalie. Pag katapos ay lumabas na agad ito ng bodega dahil baka makahalata ang mga kasamahan kung mag tatagal ito sa loob. Dahil sa sinabing iyon ay kumain kahit konti ang dalaga at ininom ang gamot na binigay ng lalaki, tama kailangan niya maging malakas, kailangan niya malabanan si mylene, kung manghihina siya wala siyang kalaban laban sa bruhang iyon.
Yanzloveangie





0 comments: