“hello, oh! Napatawag ka? Hmmm good news ba?” tanong ng isang babae mula sa kabilang linya.” Tumawag ako hindi para sa binabalak mo, gusto kong sabihin sa iyo na wala na akong plano na ituloy ang kagustuhan mo.”sabi sa kabilang linya.”abah, mister, akala ko ba napag usapan na natin ito, ayan kasama mo na ang taong gusting gusto mo. Huwag mo ng pakawalan pa. at ako makakasama ko na rin ang taong mahal ko. Saka pwede ba huwag ka ng mag inarte dyan mag pa salamat ka nalang.” Sabi nito na may galit sa tono ng pananalita.”wala akong dapat ipag pa salamat sa iyo, napa kabuti ni natalie para gawan ng masama kaya kung pwede rin sana tumigil ka na sa kahibangan mo,mylene”tugon nito at sabay baba ng telepono. Nainis naman ang dalaga dahil sa kabastusang ginawa sa kabilang linya,binabaan siya nito ng telepono ng di pa tapos ang kanilang pag uusap. Galit na galit ang dalaga at isa isang pinag babato nito ang mga bagay na nakita sa kanyang harapan.”hindi maari,hindi maari ito. Kung di mo kayang gawin puwes ako ang gagawa mag sisisi ka, mag sisisi kayo, puro nalang kayo natalie, pati ikaw henry mag babayad ka, kung di ka magiging akin di ka rin mapupunta kay natalie sinusumpa ko yan…wahhhhhhhhhhhhh”sabay sigaw ng dalaga na para bang naloloka na dahil pati sarili ay kinakausap na nito.
“magandang umaga natalie, kumusta ang tulog mo?”bati ni xyd sa dalaga at inaya ito upang mag agahan na. sinabi naman ng dalaga na maayos ang kanyang pagtulog at nag pasalamat ito dahil sa pag comfort sa kanya kagabi. Nag salo ito sa agahan at sinabi ni xyd na pag katapos ay mag hohorse back riding ang dalawa.excited naman si natalie sa sinabi ng binata.matapos ang agahan ay nag gayak na ang dalaga upang mag handa sa kanilang pag alis, makalipas ang ilang minuto ay nag tungo ang dalawa sa kinaroonan ng mga kabayo, pinakilala ni xyd kay natalie ang paborito nitong kabayo na si black eagle.pagkatapos ipakilala ni xyd ang kanyang paboritong kabayo ay inilabas naman nito ang isa pa at sinabing iyon naman ang paboritong kabayo ng kanyang nakababatang kapatid na si xyrene walang iba kundi si black widow. Pinuntahan ni natalie ang nasabing kabayo at pinag masdan niya ito at para bang kinakausap niya ang kabayo mata sa mata.maya maya ay sumampa na si natalie sa kabayo at laking gulat naman ni xyd dahil kayang dalhin ni natalie ang sarili sa pag sampa mula sa kabayo, ang hindi alam nito na may mga alagang kabayo din ang dalaga sa kanilang lugar. Pag katapos ay namasyal na ang dalawa, nilibot nito ang hacienda nila xyd. Ang daming magagandang tanawin sa lugar na iyon bagay na nagustuhan ng dalaga, dahil pakiramdam niya ay nasa sarili siyang lugar. Matapos ang mahabang pamamasyal sa maghapong iyon ay umuwi na ang dalawa upang makapag pahinga.
“ano ba mylene will you please stop calling me, sabi ko naman sa iyo na wala na ako sa mga plano mo okay, huwag na huwag kang gagawa ng anumang masama laban kay natalie ako ang makakalaban mo.”sabi ng misteryosong tao sa kausap sa kabilang linya.”hmm….grabe ka naman di naman ako tumawag para do’n, kakamustahin lang naman sana kita eh, pero dahil pinag init mo ang ulo ko sige, bibigyan kita nang babala, bantayan mo ng mabuti yang kasama mo kung ayaw mo na mawala siya sa paningin mo hahahaha..byeeeeee…..”pang aasar ni mylene sa kausap. Dahil sa narinig ay pinag pawisan ng malapot ang lalake,paano nito ipapaalam kay natalie ang mga balak ni mylene, paano kung magalit ito sa kanya.gulong gulo ito sa pag iisip.
Samantala sa bahay naman ng dela rea ay nakatanggap ng tawag si henry mula sa misterosyong caller, sinabi nito na nasa panganib si natalie at sinabing tatawag na lang ulit pag kailangan ng tulong mula sa lalaki, hindi naman mapakali si henry kung paniniwalaan ang mga sinabi ng lalaki sa kabilang linya.
“xyd pinatawag mo daw ako?” tanong ni natalie sa kaibigang lalake na nakaupo sa terasa habang umiinom ng wine.”oo natalie halika samahan mo ako dito,”aya nito sa dalaga sabay alok nito ng iniinom na wine at pina upo sa kanyang tabi.”pag masdan mo ang kalangitan natalie, kay gandang pag masdan, ang mga bituin ang buwan, hayzzzz, parang ang sarap hawakan, kaso di maabot dahil napaka layo nito, kailangan dumaan ka muna sa makakapal na ulap,malagpasan ang boundery ng mundo, iwasan ang mga cometa na papalapit sa iyo bago mo ito maabot ng husto.”mahabang sabi ni xyd habang naka tingin sa kalawakan. Samantala si natalie naman ay napatingin kay xyd, kay inam nitong pag masdan, ang mga mata nito na tila ba nangungusap, ang lungkot ng mukha ni xyd na para bang may pinag dadaanang malaking problema. “tama ka sa sinabi mo xyd, ang buwan ang pangarap mong maabot, ang mga makakapal na ulam, mga paparating na cometa na dapat iwasan ang sumisimbolo ng mga pag subok na dapat mong abutin bago mo makamit ang pangarap na iyon, pero tulad ng sinabi mo sakin gusto mo ba na ang pangarap mo ay maging pangarap na lang? na sa iyo ang desisyon, kaya xyd kung anu man ang gumugulo sa utak mo ngayon handa rin ako makinig bilang kaibigan mo.”mahabang paliwanag ni natalie sa mga sinabi ni xyd sabay inom ng wine.dahil sa sinabi ni natalie ay napangiti si xyd at sabay tapik nito sa balikat ng dalaga, at nag pasalamat sa tugon nito.”minsan ang pangarap na gusto mong maabot ay may kapalit na pag durusa at may kapwa kang masasaktan dapat din pag isipang mabuti kung itutuloy mo iyon, magiging Masaya ka sa pangarap na naabot mo pero may taong masasaktan ka naman lalo kaibigan mo. Basta natalie, ano man ang mangyari mag kaibigan pa rin tayo, matupad man ang pangarap na iyon or hindi, Masaya na ako dahil andyan ka sa tabi ko”sa sinabing iyon ay biglang tumayo ang binata at ng paalam na sa dalaga upang matulog, naiwan naman ang dalaga sa terasa na puno ng katanungan, bakit ganun ang pananalita nito, sobrang lalim at may ibig sabihin.
“natalie tara na, marami ng tao ngayon sa palenke”sigaw ni aling lumeng sa dalaga, dali dali naman lumabas ng kwarto ang dalaga at lumapit sa matanda, pag katapos ay nag gayak na ang dalawa sa pag alis upang mamalengke, naisipan kasi nito na sumama sa palengke upang mamili na rin ng sariling gamit nito sa katawan. Hindi nito akalain na sobrang aga pala mamalengke ng matandang babae, well sabagay para nga naman hindi mainit at siksikan sa palengke at tiyak bagong huli at sariwa ang mga isda na mabibili nila.
“aling lumeng anak mo ba iyang kasama mo, napa ka ganda niya.” Tanong ng tindera ng isda sa matandang babae, “haha, tina, ito nga pala si natalie kaibigan ni xydreck , naalala mo pa ba ang batang iyon na lagi ko rin kasama sa tuwing namamalengke ako dati, galling sila ng maynila nag bakasyon lang ditto.”nakangiting kwento ni aling lumeng habang pinapakilala si natalie.”ay oo naman si xydreck naku siguro napa ka gwapong bata na iyon ngayon, hmm bagay sila hah hehhe”sabay tingin kay natalie. Nag bigay galang naman si natalie kay tina at nag pa salamat sa papuri nito sa kanya. Matapos ang pamimili ng isda ay nag punta naman sila sa gulayan,tulad ng eksena kanina ay ganun din ang tanong ng mga kakilala ni aling lumeng tungkol kay natalie, lulang lula naman ang dalaga sa mga papuri ng mga tao na andun hindi niya akalain na sobra ang pag welcome sa kaniya sa lugar na iyon, matapos ang ilang oras na pamimili ay gagayak na ang dalawa upang umuwi ng bahay ng bigla na lamang may sumulpot na armadong kalalakihan at kinuha si natalie, nag sisigaw naman ang matanda ng tulong ngunit walang makalapit dahil takot sa mga lalake na may mga dalang baril, nag papalag naman si natalie upang kumawala sa pag kakahawak ng lalake ngunit hindi nito magawang alisin ang braso nito sa pag kakahawak sa kanya, kaya bigla niya itong kinagat at inapakan ang paa nito at sabay siniko, pilit na nag laban si natalie sa mga ito, papalapit ang isang lalake sa kanya at bigla niya itong sinipa palayo gamit ang flying kick, bumagsak ang lalake sa lupa at halos mangiyak sa sakit ng katawan, akmang babarilin siya ng isang lalake ngunit binatukan ito ng pinaka pinuno sa kanila na kailangan nila ng buhay ang babae, binitawan nito ang baril at lumapit sa dalaga upang labanan ng mano mano, nag sisigawan naman ang mga tao dahil sa aktong napanuod na laban hindi nila akalain na kanyang ipagtanggol ni natalie ang sarili laban sa mga lalakeng iyon, hmmm may pag ka amazona pala hehehe, well di iyon ang eksaktong tawag dun kundi self defense lang, na pinag aralan pa niya sa America ng siya ay nag tungo dun. Nasa gitna ng labanan ang dalaga ng bigla nalang may sumigaw sa kanyang likuran.”sigekung hindi ka titigil sa ginagawa mo pasasabugin ko ang utak ng matandang ito, sumama ka sa amin kung ayaw mo na lahat ng tao dito ay madamay.” Sa pag kasabing iyon ay ngbigay ng warning shot ang lalake patunay na gagawin nito ang sinabi sa dalaga. Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumuko sa mga ito sinabi niya na sasama siya sa mga ito at pakawalan lang si aling lumeng at hayaan ang mga taong wala naman kinalaman sa kanila.lulan ng van ay nagtungo ito papunta sa hiding area, di naman alam ni natalie ang lugar kung asan siya dahil may takip ang kanyang mga mata at nakagapos din ang kanyang mga kamay.
“tiyo,asan sina tiya at natalie.?”tanong ni xyd sa matandang lalake habang nag sisibak ng kahoy sa likuran.”oh! iho gising ka nap ala, namalengke ang dalawa maaga pa sila umalis hanggang ngayon ay di pa nakabalik, sandali lang at ipag hahandda kita ng maiinom.”sabi nito at binitawan ang ginagawa at nag tungo sa kusina. Pag kabalik ay dala na nito ang isang tasa ng kape para sa binata, nasa ganoong eksena ang dalawa ng bigla nalang may dumating na halos patirin ng hininga dahil sa sobrang pagod nito.”berting, xydreck.”sabi ng matandang babae na hinihingal at di naituloy ang sinasabi.”tiya asan si natalie bakit hindi niyo kasama? Bakit ganyan ang itsura niyo?”tanong naman ni xydreck na nag aalala na ng husto dahil hindi nakita si natalie.”sa palengke, may mga taong armado dumukot kay natalie, hindi kami makalapit ang dami at mga armado sila, nagpilit lumaban si natalie kaso, kung hindi siya sasama papatayin ako ng isang lalake iyong pinaka pinuno nila, kaya sumuko si natalie at sumama ng kusang loob sa kanila kaysa may madamay na ibang tao.”halos mangiyak ngiyak naman si aling lumeng at napaluhod dahil sa panghihina nito.sa narinig ay nabitiwan naman ni xydreck ang tasa ng kape at bigla nalang kinabahan, tumakbo patungo sa kanyang kwarto ang binata at kinuha ang kanyang cellphone,”hello, xydreck how are you?hmmm..anong meron at napatawag ka namiss mo ba ang babaeeng pinaka mamahal mo hah.” Sagot ng dalaga sa kabilang linya na may halong paglalandi sa lalake, “manahimik ka mylene hindi ako tumawag sa iyo para kamustahin ka.asan si natalie anung ginagawa mo sa kanya? Napaka sama mo talaga.” Nangigigil na si xydreck sa kausap na parang gusto nitong saktan kung nasa malapit lamang ito.”oopsss, masyadong matalim iyang dila mo mahal kogn xydreck, wala sa bahay ko ang natalie mo, kasama siya ng mga tauhan ko, kung asan? Hmmm bakit ko naman sasabihin sa iyo aber hahaha”sabay halaklak nito.”tandaan mo mylene walang magandang ibubunga itong ginagawa mo, tanggapin mo nalang sa sarili mo na hindi ka mahal ng taong mahal mo, sakim ka, sakim ka mylene. Hindi ka magiging Masaya..”galit na sabi ni xydreck kay mylene,”tsee..wala kang karapatan para sabihin sa akin iyan, kayo ang sakim at hindi ako, wala akong panahon makipag tsikahan sa iyo xyd your wasting my time.”sabay baba nito ng telepono samantala si xydreck ay nagsisigaw at pilit inaalam kung asan si natalie ngunit wala na ang kausap nito.
Yanzloveangie





0 comments: