Be My Guest

Post info

Labels:


Comments 0


Author: loveangie


“pare bakit napatawag ka?”sabi ni roel sa kaibigan. “Parang ang laki ng problema mo pare ano babae na naman ba hahahaha” pang aasar nito sa kaibigan. Kahit magkalayo ay nagtatawagan pa rin ito. Si roel lang kasi ang tangi nyang mapagkakatiwalan pgdating sa mga sekreto. At isa pa ay kakilala rin nito si natalie dahil ang asawa nito at si natalie ay magkaibigan rin. Kinuwento ni henry ang buong pang yayari kay roel at wala rin nasabi ang binata kundi natememe rin,hindi nito akalain na magkakaganun ang kaibigan pagdating sa babae ang pagkakakilala nito ay ito ang nilalapitan ng mga babae at halos mag wala pa ang mga babae para lamang mapansin ito ni henry ngunit sa pagkakataong iyon ay nabaligtad ata, kung baga nakahanap na ng katapat ang binata, siya ngayon ang napipilipit ang dila kapag kaharap ang babaeng gusto. Kaya natawa na lamang si roel sa kaibigang si henry. Bagay na ikinainis rin ng binata. “ano kaba tinawanan mo lang ako kaya nga ako tumawag sa iyo eh, para may makausap.”pagalit na sabi ni henry.”pare easy ka lang anu ka ba ang init agad ng ulo mo”sagot agad ni roel sa kaibigan na hindi pa rin mapigilan ang pagtawa. “kasi naman pare hindi ko akalain na magkakaganyan ngdahil lamang sa isang babae, sabagay kung si natalie naman ang babaeng iyon eh magpapakalasing talaga ako, ha ha ha”sabi ni roel habang nagsasalin ng alak sa kanyang kopita. Samantala si henry naman ay natulala nalang, bakit nga ba nagkakaganon siya. Anung gagawin nya para mapansin ng kanyang mahal, ngunit ang kanyang mahal ay umiiwas sa kanya.
Ahhhhhh! Gulong gulo ang utak ni henry at hindi nito alam ang gagawin.
Samantala sa opisina ni natalie ay laking sorpresa nito dahil may natanggap na bulaklak sa kanyang lamesa. Napakaganda ng bulaklak na iyon kanino iyon galing at anu ang intensyon ng nagpadala nito. Dali daling tiningnan ni natalie ang maliit na sobre sa tabi ng mgabulaklak habang inamoy nito ang bango ng mga iyon. Nakasulat sa maliit na card ay..meet me at cafeteria around 8in the evening, ur admirer’ Halos maloka naman si natalie dahil sa nakasulat na iyon. Hmmm sinu iyon.sino ang misteryosong lalaki n nagpadala ng sulat at mga bulaklak na iyon. Dapat ba siyang makipag kita sa misteryosong iyon or dapat ba nyang dedmahin na lamang, ngunit hindi sya matatahimik hanggat di nya nalalaman kung sino man iyon. Nasa malalim na pag iisip si natalie ng bigla nalang nag ring ang kanyang telepono. “yes hello.” Sabi ni natalie na biglang natauhan. “natalie its me mr. baronman,” sabi ng sa kabilang linya. “im sorry mr. baronman, akala ko kung sino na,anu po ba ang atin?”hingi ng paumanhin ni natalie sa matanda. “bakit natalie may inaasahan ka bang tawag? Okay ka lang ba natalie parang streess ka,”pag aalala ng matanda. “ yah im alright don’t worry about me mr. baronman ill be fine soon.” Saad ng dalaga. Sinabi na rin ng matanda ang dahilan ng kanyang pagtawag ke natalie, ininbitahan nito ang dalaga sa munting salo salo sa kanilang tahanan dahil kaarawan ng isa sa mahal ni mr. baronman. Inisip naman ni natalie kung sino ang may kaarawan, ang aswa kaya nito or ang anak nitong si coline. Anung gagawin nya mamaya din ang usapan nila ng misteryosong lalake na nagpadala ng bulaklak. Hindi bale hahabol nalang siya sa kasiyahang iyong pagkatapos makipag kita sa lalaking iyon.
Habang naglalakad sa lobby ay patuloy pa rin ang pag iisip ni Natalie kung makikipagkita nga ba sya sa taong nagbigay ng mga bulaklak, baka masamang tao iyon at may masamang balak sa kanya, or baka naman dati nyang kaibigan na gusto lamang makipgkita sa kanya.ahhhh bakit ba di mawaglit sa kanyang isip ang taong iyon. Anu ba talaga ang desisyon nya makikipagkita nga ba siya or pupunta sa kasiyahan ni mr. baronman. Samantala ay nakarating na ang dalaga sa kanyang cabin at nagpahinga sandali pagkatapos ay inihanda na ang kanyang susuutin sa kasiyahang iyon, bahala na kung anu ang magigigng desisyon nya pagsapit ng alas otso ng gabi.
Samantala sa bahay naman ng Baronman ay marami ng bisita ang dumating lahat ay mga kaibigan ng pamilyang baronman ang iba naman ay kamag anak ng nasabing pamilya. “sir may naghahanap po sa inyo sa labas” sabi ng katulong nila mr.baronman. “okay salamat katty.” Sabi ng matanda at nagtuloy na ito sa labas upang harapin kung sino man ang nasabing bisita.laking sorpresa naman ni mr. baronman sa nakita, isang napakagandang dalaga sa kanyang harapan at nakangiti sa kanya. “hi mr. baronman thanks for inviting me here.”sabi ng napakagandang dalaga.”halika tuloy ka grabe iha, napakasaya ko at ngayon ay nandito ka buong akala ko ay iignorin mo ang aking imbitasyon sa kassiyahang ito. Maraming salamat, halika sa loob at makilala mo ang ibang bisita.”mahabang paliwanag ng matanda sa dalaga at inakay nito papasok sa bahay ng mga baronman. Isa isang pinakilala ng matanda ang napakagandang dalaga sa kanyang mga bisita , buong paghangang nakatingin ang mga ito sa dalaga. Naupo naman ang dalaga malapit sa terrace upang langhap niya ang hangin mula sa labas, masiya ang dalaga dahil nakadalo sa kasiyang iyon ngunit ramdam niya na may kulang sa kanyang puso, sana may kasama rin siyang at nakakausap tulad ng nasa paligid niya na puro couple siya lamang ang naiibang dumating na nag iisa. Sana kasama niya ang mahal niya at kasama siya sa pag inom ng tequila kayakap niya habang nagsasayaw sa saliw ng musika.pero heto sya nakaupo sa isang tabi na parang may hinahanap. Bakit wala si henry hindi ba ito inimbitahan ni mr. baronman pero imposible, asan rin si coline bakit wala rin ito, siguro ay magkasama ito sa bigla bumalik sa kanyang isip na may relasyon nga pala ang dalawa.
“hi miss pwede ka bang maisayaw” sabi ng lalake na lumapit sa kinaroroonan ni Natalie. “hah! Ah eh, okay sure”atubili pa sana si Natalie sa nais ng binatang kaharap ngunit naisip niya wala naman siyang kasama kaya pinagbigyan na lamang niya ang binata. Inalalayan naman ng binata ang dalaga sa pagtayo nito at hinawakan sa braso upang dalhin sa bulwagan kung saan marami na rin ang nasasayawan. Habang nagsasayaw ang dalawa ay napatingin naman si Natalie sa isang gawi malapit sa terasa at nakita niya doon ang isang lalake na biglang nagpakabog sa kanyang puso, nkatingin ito sa kanila at parang ang lalim ng iniisip, bigla naman nahiya si Natalie kaya iniwas nito ang paningin sa lalakeng iyon ngunit pagtingin niya ulit ay wala na ito, namamalikmata lamang ba siya or totoo ang kanyang nakita. Hindi mawaglit sa kanyang isip ang lalakeng iyon walang iba kundi si henry. Pagkatapos ng tugtog ay nagpaalam na si Natalie sa lalake na babalik na sa kanyang upuan magalang naman na pinagbigyan ng lalake ang hiling ng dalaga at nagpasalamat ito sa pag anyaya sa kanya upang isayaw, ngumiti lang ang dalaga at sabay inom nito ng kanyang tequila.
Kinbukasan ay balik na naman sa normal ng lahat. trabaho na naman matapos ng kasiyahang naganap kagabi lamang sa bahay baronman.. pagpasok ni natalie sa kanyang opisina ay laking sorpresa nanaman niya nga makita na naman ang mga bulaklak sa kaniyang lamesa, sino ba talaga ang misteryosong lalaking nag padala ng bulaklak sa kaniya. hinagilap kaagad ng dalaga ang maliit na card upang alamin ang nilalamn niyon. "napakaganda mo talaga natalie, di ka mawaglit sa aking isipan. mr. X" un lamang ang laman ng sobreng iyon. nasa malalim na pag iisip si natalie ng biglang dumating si henry. laking gulat naman ng dalaga dahil hindi nito inasahan na bibistahin sya nito sa kanyang opisina. "yes, mr. henry what can i do for you?"sabay lapag ni natalie ng nasabing bulaklak at card..samantala si henry naman ay medyo nadismaya sa kanyang nakita may bagong manliligaw na pala si natalie,naisip nito na wala na talaga siyang pag asa sa babaeng pinakamamahal, ni hindi pa sila nakakapag usap ng maayos simula ng dumating ang dalaga buhat sa ibang bansa. "ehem.. kanino galing sa manliligaw mo ba?" sabay tanong ni henry sa dalaga. nagulat naman si natalie sa tanong ng lalake, naisip ni natalie na hindi kaya si henry ang nagbigay ng mga bulaklak na iyon. "ah..ito ba ahmmm.. oo tama ka sa manliligaw ko nga, nag aaya lumabas." pag sisinungaling ng dalaga dahil gusto niyang hulihin kong may reaksyon ba sa lalake. " wow!, swerte naman ng manliligaw mo hehe! well gudluck sa inyo.sya nga pala napadaan lang ako upang imbitahan ka sana kumain mamaya kaso mukhang may nauna na sa akin mag imbita, kung makakarating ka may konting salo salo akong inihanda ito nga pala," sabay abot ni henry ng munting imbitasyon sa dalaga. at pagkatapos ay umalis na rin ang lalake. samantala naiwan naman na nakatingin lamang ang dalaga sa munting papel na binigay ng lalake. anu bang ngyayari sa kanya, natutulala siya sa tuwing kaharap ang lalake. nsa malalim na pag iisip si natalie ng biglang ng ring ang kanyang telepono,"ahm yes helow" sagot ni natalie sa kabilang linya."may i speak with miss. natalie?"saad ng babae sa kabilang linya."yes speaking, may i know you?" tanong naman ni natalie dahil di nabosesan ang tumawag. "wahhh nat its me jo hmmmm..di kita nabosesan hah bruha ka.haha"sabay tawa ni josephine."jo, mustah kana? ako rin hindi ko narecognize ang boses mo sorry hah! "hingi ng paumanhin ni natalie sa kaibigan. "naku wala iyon nat, hehe well kinamustah lng kita, sorry di ko nasabi sayo na pauwi ako ng pinas, andito na ako friend, syempre kasama ang aking loving husband at cute na cute na baby hehe."mahabang sabi nito. masayang ng uusap ang dalwang magkaibigan sa phone kaya nawaglit sa isip ni natalie ang mga pangamba niya tungkol s misteryosong lalake. maya maya pa lamang ay nagpaalam na rin si josepine sa kabilang linya dahil nag aaya na umalis ang kanyang baby.
ding! dong! tunog mula sa labas ng bahay ni henry, "henry may tao sa labas may inaasahan ka bang bisita?" tanong ng babae sa binata. "yap" maikling sabi nito "excuse me lang puntahan ko lang sa labas." tuwang tuwa naman si henry dahil alam niya na si natalie na ang dumating, excited syang binuksan ang gate mula sa pag kakasara ng "tito henry" tawag ng isang batang lalaki sa kanya, sabay takbo payakap sa lalaki, hindi inaasahan ng binata na darating ang mag ina sa gabing iyon, inaya niya ito papasok sa loob ng bahay upang ipakilala sa mga kaibigan. samantala laking gulat naman ng mga tao sa loob ng makita kung sino ang inaasahang bisita ng binata. "colline is that you?” sabay tayo ni josephine at lumapit ito sa babae upang salubungin, ngyakap ang dalawa kahit hindi sila gaanong close nung high school life ay nagkahiwalay naman sila ng maayos ay na miss nila ang isat isa."kumustah kana jo? ang ganda ganda mo ngayon ah "puri naman ng babae sa kaibigan, "sya nga pala ito nga pala ang anak ko si hedrick."sabay tawag nito sa anak niyang halos di bumibitaw kay henry,"wow ang gwapong bata naman ng anak mo colline hehe, ako rin papakilala ko rin sau ang aking munting anghel, trish come here, i want you to meet tita colline and her son hedrick,"tawag nito sa anak habang nag lalaro ng puzzle.dali daling lumapit ang bata sa kanyang mommy at nakangiti itong nag bigay galang kina colline at hedrick.natuwa naman si colline sa inasal ng batang babae dahil napaka bibo nito tulad ng kanyang anak. maya maya lamang ay tinawag na ni roel ang mga kaibigan at inaya na itong kumain ng biglang may nag dorbell na naman, di na tumayo si henry mula sa pag kakaupo at tinawag nalang ang kanyang kasambahay upang buksan ang gate.
Maya maya lamang ay nagbukas na ang nasabing gate nila henry sinalubong ng masayang ngiti ni Natalie ang babaeng nagbukas nun at magalang na tinanong ang kanyang hinahanap.”good evening andyan ba si henry?”tanong ng dalaga sa matandang babae, “yes ma’am tuloy poh kayo.”.pumasok ang dalaga sa loob ng bahay ni henry buong hanga niyang pinag masdan ang munting tahanan ni henry, ito ang unang pagpunta nya sa bahay ng binata.laking gulat ni natalie na makita ang mga tao sa loob ng bahay ni henry, hindi nito akalain na ang mga kaibigan ay naroroon."nataliiiiiiiiiiiiiiiee,!!!"sigaw ni jo habang sabik na sinalubong ang dalaga. dahil sa pag ka bigla ay hindi kaagad nakapag salita ang dalaga,sumunod na sumalubong din si roel na asawa ni josephine.binati nito ang dalaga sabay na rin sa pag welcome nito. maya maya lamang ay lumabas mula sa kusina sina henry at colline na nag tatawanan."natalie is that you?"bumitiw si colline sa pag kakaakbay ni henry at pinuntahan nito ang dalaga."wow. ang ganda ganda mo lalo natalie, hindi ko inaasahan na ikaw pala ang sinasabing bisita ni henry."sabay yakap nito sa dalaga.samantala si natalie ay umiwas ng tingin sa pag kakatitig ni henry.at niyakap na rin nito ang kaibigan. maya maya ay lumapit na rin si henry sa kinaroroonan ng dalaga."akala ko hindi mo ako sisiputin eh, maraming salamat sa pag dalo natalie."sabay halik nito sa pisngi ng dalaga, laking gulat naman ni natalie sa ginawa nga binata bagay na biglang nag-init ang kanyang mga pisngi at namula, napansin naman ito ng binata at napangiti sabay hingi ng despensa sa ginawa.inaya na nito ang dalaga sa hapag kainan at sabay sabay nang nag si kain ang mga ito habang masayang ng kwekwentuhan.binalikan nila ang mga nakaraan sa kanilang buhay. napakasaya ni natalie ng gabing iyon para na rin itong reunion ng kaniyang mga kaibigan, sa tagal nilang di pag kikita ay ito mag kakasama sila ngayon, natuwa naman si natalie kay henry dahil inimbitahan niya ito sa munting salo salong iyon, hindi nagkamali si natalie sa pag punta bagay na pinag isipan niya muna kung dadalo or hindi, balak kasi niyang makipag kita sa misteryosong lalake na laging nagpapadala nang bulaklak sa kanyang opisina na buong akala ni natalie ay si henry ang lalaking iyon, hayzz bakit pa ba siya aasa kay henry nakakahiya siya, may pamilya na ang tao at kung anu ano pa ang kanyang iniisip, napakaswerte ni colline at si henry ang nakatuluyan nito, bagay na ikinalungkot ulit ng dalaga. "hey friend bakit parang byernes santo iyang pagmumukha mo,?smile ka nga jan."pang aasar ni jo sa kaibigan sabay abot nito ng wine sa dalaga.napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng kaibigan,nakikita niya sa mga mata ni josephine na napakasaya ng buhay nito kasama ang kanyang asawa na si roel at ang anak nitong napacute.samantala siya hanggang ngayon ay dalaga pa rin, kelan kaya darating sa kanya ang lalaking magmamahal din nang tapat sa kanya, sana si henry iyon pero di na maari isang pangarap nalang si henry para sa kanya.

0 comments:


Post a Comment

Yanzloveangie