Samantala sa bahay nila colline ay dumating ang hindi inaasahang bisita.Dumating ang ina ni natalie na si mrs. charlotte kasama ang ama ni colline na si mr. baronman.hindi alam ni colline kung paano at ano ang sasabihin sa ginang dahil hindi rin nito alam ang buong ng yari kay natalie. maya maya lamang ay dumating na rin si josephine kasama si roel, dahil sinundo pa nito ang asawa mula sa airport. Halos ng karaon ng reunion sa bahay nila colline ng mga sandaling iyon, pinatuloy muna nito ang ina ni natalie sa master bedroom upang makapag pahinga. samantala ang ama nito ay nag paalam na aalis muna sandali upang mag tungo sa tanggapan ng pulisya upang malaman kung mayrong bagong balita mula sa imbistigasyon sa pag kawala ni natalie. samantala si roel naman ay laki ng galit kay mylene ng mga sandaling iyon, ito na nga ang sinasabing kinakatakutang pag babanta ni mylene. hindi nito lubos maisip na sa haba ng panahong lumipas ay tinuloy parin nito ang masamang balak kay natalie at henry.pinakalma naman ni josephine ang asawa at sinabing walang magagawa ang galit nila bagkos ay ipagdasal na lamang nila ang kaligtasan ng mga kaibigan sa kamay ni mylene. nag balik naman si colline sa sala upang dalhan ng meryenda ang mag asawa, inalok nito ng maiinom ang dalawa at sabay na rin naupo sa katapat na sofa,sinabi nito na sa bahay nalang maghapunan ang dalawa kasalo si mrs, charlotte at mr baronman, pumayag naman ang mag asawa sa nais ni colline.
Kinagiban habang nag sasalo salo ang lahat sa hapunan ng bigla na lamang tumunog ang telepono...nag katinginan ang mga ito at sinabi ni colline na wala siyang inaasahang tawag sa mga oras na iyon, dali daling tumayo si colline at sinagot ang nasabing telepono. habang nag kinakausap naman ni colline ang nasa kabilang linya ay biglang tumayo si josephine at lumapit sa kaibigan dahil nakita nito na mukhang seryoso ang kausap at ng hanap pa ng papel at lapis ang dalaga dahil may kung anung sinulat ito na maaring dinikta mula sa kabilang linya.hmmmmmmm sino kaya ang nasa likod ng misteryosong tawag na iyon?
"Well!! well! well!" habang papalapit si mylene sa kinaroroonan ni natalie at henry."akala nyo ba ganun ako kadali takasan ha! at woww dumating pala ang knight and shining armor mo"sabay tingin nito kay henry."ano bang binabalak mo mylene? ako naman ang kailangan mo diba! pakawalan mo si natalie handa akong sumama saiyo, mag sama tayo lalayo tayo dito, kakalimutan ko lahat ng ginawa mo, pakawalan mo lang si natalie, parang awa mo na." nag mamakaawang sabi ni henry kay mylene habang lumalapit sa dalaga at hawak ang kamay nito."Tse,, ano ako papa loko sa iyo henry ha, see hanggang ngaun kaligtasan pa rin ng impaktang iyan ang nasa isip mo," pag tataray nito sa binata at sabay tulak nito. mag sasalita din sana si natalie sa mga oras na iyon ngunit hinawakan siya ni henry sa kamay, senyales na huwag ng umimik dahil baka saktan siya ng dalaga. tumahimik nalang si natalie dahil sa kagustuhan ni henry, at maya maya ay inutusan ni mylene ang mga tauhan na ibalik sa bodega ang dalawa at tiyakin na hindi na ito makakatakas pa dahil pag nag kataon ay malilintikan talaga sila. pag kapasok sa bodega ay ginapos ng mga armadong kalalakihan ang dalawa, pinaupo sa upuan habang mag katalikod at ginapos ang mga kamay at paa nito. nanlulumo naman si natalie at pakiramdam niya na hindi na matatapos ang kanyang paghihirap sa mga kamay ng nasabing karibal, ito siya kasama ang pinakamamahal na lalake ngunit hindi naman sila malaya,para silang mga bilanggo na oras oras ay binabantayan. mula sa loob ng bodega ay nakabibingi ang katahimikan, katahimikang walang gustong bumasag ng mga sandaling iyon, nais man nilang mag salita ngunit walang namumutawi sa kanilang mga labi..dahil sa sobrang pagod at takot ay nakatulog si natalie at henry.
"hello mylene c xyd to, are you free tonight?"mula sa kabilang linya,"Abah! anung masamang hanging ang nag tulak sayo para tawagan ako? yap hindi ako busy mamayang gabi bakit mo naitanong?"sarkastikong sagot ng dalaga sa kausap."magkita tayo sa coffe shop doon sa dati nating pinupuntahan, mamayang alas otso ng gabi" sagot ni xyd." bigyan mo ako ng magandang dahilan para makipag kita sa iyo matapos mong tumanggi at umayaw sa mga plano ko?" saad naman ni mylene na tumataas na ang kilay sa kausap sa telepono.nag bigay naman ng dahilan si xydric dahilan kung bakit napapayag nito ang dalaga na muling makipag kita sa kanya.
Yanzloveangie





0 comments: