Be My Guest

Post info

Labels:


Comments 0


Author: loveangie


“hoy! Larry anung ginagawa mo dito diba dapat nasa labas ka nagbabantay, kaya pala may nakapasok dito aanga anga ka na naman diyan.”sabay baling nito ng tingin kay natalie na nakaupo at nakagapos, ang hindi nila alam ay anytime ay pwede maka takas si natalie.”ha! sino ang naka pasok? Nahuli ba?”buong inosenteng tanong ni larry. “oo, nahuli ni baldo, isang magbobote ayon nakita na maraming bote ng alak sa harapan, diba binilin ko sa iyo na itapon mo iyon”sabi nito sabay batok kay larry. Humingi nalang ng pasensya si larry dahil ang totoo ay sinadya nya ikalat ang mga bote upang ng sa ganun pg dumating ang mag bobote ay madistrak ang atensyon nila at makapasok si henry sa loob ng bodega. Matapos ang usapang iyon ay nag paalam na ang malaking mama na lalabas muna at kakain at sinabing bantayan mabuti ni larry si natalie at huwag hayaan na makatakas.
Nang makalabas na ang nasabing lalake ay lumabas naman si henry sa pagkakatago sa loob ng maliit na cabinet, sa sobrang takot na baka sila ay mahuli ng mga ito hindi na lang namalayan ni henry na napag kasya niya ang sarili sa nasabing pinag taguan. Samantala si natalie naman ay tumayo at buong higpit na niyakap si henry dahil sabik siyang Makita ang pinaka mamahal na lalake, si larry naman ay sumilip sa bintana at tiningnan kung dumating naba si mylene, dali daling nilisan ng tatlo ang nasabing kwarto na pinag taguan kay natalie, dahan dahan binuksan ni larry ang pinto at siya ang nauna lumabas upang siguraduhin na walang makakakita sa kanila sa gagawing pagtakas sa lugar na iyon. Nakita naman ni larry na kumakain ang dalawang kasamahan habang nanunuod ng tv, sinenyasan nito sina henry at natalie na pumunta sa gawing kanan upang doon dumaan palabas sa nasabing bodega.. sa di inaasahan ay may nasagi naman si natalie na nakakalat na bode sa sahig,  sa takot ay napayakap si natalie kay henry samantala tinakpan naman ni henry ang bibig ni natalie dahil muntik na itong mapasigaw. Dahil sa narinig na ingay ay tumayo ang isang maskuladong lalake at tiningnan ang pinag galingan ng ingay na iyon, “anak ka talaga ng teteng larry, anung ginagawa mo diyan diba pinapabantayan ko sa iyo iyong babae.”galit na tanong nito at sabay batok kay larry. “eh. Bo bosing kukuha lang naman ako ng inumin eh nauuhaw na kasi ako” paliwanag nito at sabay dampot nito sa bote na kanina ay nasipa ni natalie sabay himas sa kanyang batok at hingi ng pasensya dahil sa nagawang ingay. “oh, siya bilisan mo kumuha ng tubig at bumalik ka dun sa pinapabantayan ko sa iyo, ikuha mo na rin kami ng yelo, ubos na pala ang yelo naming, bilis huwag kang babagal bagal diyan.”sabay tulak nito kay larry na halos madapa. Pag kasabing iyon ay bumalik na ang lalake sa  upang ituloy ang naudlot na pag kain at panunuod ng tv samantala ng tanong naman ang kasamahan nito na bakit maingay at sinabi nitong kagagawan ni larry, dahil sa narinig ay tumawa nalang ang dalawa at sinabing kahit kailan daw talaga ay aanga anga ang larry na iyon.
Samantala, humingi ng paumanhin si natalie kay larry dahil sa kanya ay nasaktan pa ito ng mga kasamahan., sinabi naman ni larry na walang dapat ipag alala sa bagay na iyon ang mahalaga ay hindi sila nabuko na tatakas.
Narrating nilang tatlo ang pintuan sa bandang likuran, akmang lalabas na silang tatlo ng bigla nalang silang may makasalubong na isang lalake, iyon ay isa rin sa inupahan ni mylene para magbantay  kay natalie, biglang sinita nito si larry kung saan pupunta at sino ang kasama nitong isa pang lalake na hindi nito kilala, tinutukan nito ng baril ang tatlo upang pabalikin sa loob ng bodega ngunit nanlaban sa larry at sinabing tumakbo na ang dalawa upang tumakas, ayaw naman iwan ni natalie si larry sa eksenang iyon dahil baka mapano ito ngunit hinila siya ni henry upang tumakas. Ng makalayo sila sa lugar na iyon ay may narinig silang isang putok, putok galing sa bodegang ganilang pinag mulan, napatili naman si natalie at nag iiyak na yumakap kay henry, inisip ni natalie na napatay ng armadong lalake ang isang kaibigan na tumulong sa kanila upang makatakas sa lugar na iyon, hinimas himas naman ni henry ang buhok ni natalie at sinabing tumahan na ito, wala na silang magagawa sa mga oras na iyon kundi ang tumakbo ng tumakbo at magtago para hindi mahanap ng mga taong dumukot kay natalie. Takbo ng takbo ang dalawa sa kagubatan ng hindi mawari kung saan ba sila patungo, masyadong madilim ang paligid at wala man lang ilaw,pasalamat nalang sila at napaka liwanag ng buwan at iyong ang nagsilbing liwanag nila sa gabing iyon, matapos ang isang oras na pagtakbo ay napansin nila na narating nila ang isang kalsada, kalsada na kung saan patungo ay hindi nila alam sa mga oras na iyon, naupo ang dalawa at hingal na hingal, samantala si natalie naman ay hindi makapaniwala na nakalayo na sa bodegang iyon at kasama pa ang pina ka mamahal na lalake. Magkayakap ang dalawa habang ng aantay kung may sasakyan mang dadaan sa mga oras na iyon.  Makalipas ang ilang minuto ay may napansin silang liwanag na paparating, pinara nila iyon ngunit hindi man sila binigyan ng pagkakataon na makasakay man lang. hindi pa rin sila tumigil sa pag aabang ng masasakyan ng may bigla nalang huminto sa kanilang tapat at pinasakay sila. Laking tuwa naman ni natalie ng may nag magandang loob. Tinanong ni henry ang lalake kung saan ito patungo ngunit hindi ito sumagot ,tiningnan lang siya nito at sabay dial sa kanyang telepono, at sinabing hawak na ulit nila ang nakatakas na dalaga kasama ang isang lalake. Dahil sa narinig ay parang pinag sakluban naman ng langit at lupa si natalie, buong akala niya ay makakatakas na sila ngunit  ito sila pabalik kung saan siya tinago ni mylene. Nais naman pumalag ni henry ngunit wala ito magawa ng mga oras na iyon dahil may nakatutok na baril sa kanilang dalawa. Napayakap nalang si natalie kay henry ng mga oras na iyon.

0 comments:


Post a Comment

Yanzloveangie