Be My Guest

Post info

Labels:


Comments 0


Author: loveangie


“mr henry?, alam ko po kung asan ang kinaroroonan ng kaibigan nyo.” Sabi ng caller kay henry laking gulat naman ng binata sa narinig.”hah, asan si natalie, anung lugar? Kamusta siya?”daming tanong ni henry sa caller at di na nito naitanong ang pangalan ng tumawag. Sinabi ng caller na puntahan agad ang dalaga sa nasabing address at magkita sila doon, pagkatapos sabihin ng caller ang impormasyon ng lugar ay binaba na nito ang telepono. Laking pasalamat naman ni henry dahil ngayon alam na niya kung saan tinago ni mylene ang dalaga. Pag katapos ay tinawagan agad ni henry ang mga kaibigan upang ipag bigay alam sa mga ito.
“pare hanggang kailan ba natin babantayan iyong pina dukot ni boss?”tanong ng isang maskuladong lalake sa kasamahan nito habang umiinom ng alak.”hindi ko rin alam wala pang sinasabi si boss kung ano ba talaga ang balak niyang gawin ang pag kakaalam ko lang eh pakakawalan din iyong babae pag katapos ni boss makuha ang gusto niya.”sagot nito,”hoy larry san ka pupunta?”biglang lingon ng dalawa sa bandang likuran dahil narinig nito na may nag bukas ng pinto.”dito lang sa labas mag papahangin sandali, babalik din ako agad.” Sabi nito.”sige bilisan mo lang at parating na si boss,”bilin nito, sumang ayon naman ang lalake sa sinabi ng kasamahan nito at sinabing babalik din agad.
“pare may naka pasok sa boundery natin.”sabi ng lalake na hinihingal pa dahil sa ginawang pagtakbo papasok sa loob ng building na tinataguan.”ha? ano? Paano nangyari iyon diba may nakabantay naman sa labas ng building na ito, mga inutil sige huwag hayaan na makapasok iyan ditto sa loob malilintikan tayo kay boss niyan.”utos nito at sabay punta sa pinagtataguan nito ng mga baril.
Samantala sa  bahay ng baronman ay hindi naman mapakali si colline dahil hindi nito makontak ang telepono ng kaibigan,lubos na nag aalala  kung ano na nga ba ang nangyari sa kaibigang lalake.”colline dear what happen to you? You look terrible something happen that I need to know?”Buong pag aalala na tanong ni mr baronman.”oh!daddy thanks God that you came,,nag aalala lang kasi ako kay henry,di ko alam kung na saan na ba siya, nakausap ko ang maid niya ang sabi after ng phone habang nag hahapunan si henry ay bigla nalang ito umalis.”mahabang kwento ni colline sa kanyang ama.sinabi rin ni colline ang nangyari kay natalie at nabigla naman ang matanda dahil sa nalaman, kaya ito nagbalik upang alamin ang kung totoo nga ang nabalitaan tungkol sa pagkawala ng dalaga. Sinabi naman ni colline na naireport na rin nila sa mga pulis ang buong nangyari at sinabing gagawin ang lahat upang mahanap ang nasabing kaibigan. Ang pinag tataka lang ng mga pulis ay kung dinukot ang babae ay dapat makalipas ang ilang araw ay tatawag na ang mga ito upang humingi man lang ng ransom pero wala natanggap ang mga ito ng anumang tawag mula sa kidnapers.
“natalie gising, shhhhh!!! Huwag kang maingay itatakas kita ditto.” Habang inaalis ng lalaki ang mga tali na nakapalibot kay natalie..laking gulat naman ng dalaga dahil sa nakita”h- henry?”tanging nasambit ng dalaga dahil sa pag kabigla, dami gusto itanong ng dalaga sa lalake kung paano ito nakapasok sa loob ng pina taguan sa kanya, samantala habang nasa ganoon silang eksena ay bigla nalang nag bukas ang pinto na ikinagulat nila. Biglang tumayo si natalie at iniharang ang katawan kay henry dahil sa takot na saktan ito ng lalaking pumasok sa loob ng bodega. “natalie huminahon ka kakampi natin siya, siya ang tumawag sa akin at sinabing andito ka nga”sabay tayo ni henry at pumunta sa pintuan upang sumilip kung may taong paparating at inilock nito ang pintuan. “pasensya na po kayo miss natalie, hindi lang kasi ako pabor sa mga ginagawa nila sana mapatawad mo ako”sabay yukong pag hingi ng paumanhin ng binata. Sinabi naman ni natalie na wala siya dapat ihingi ng patawad sa halip ay nagpasalamat pa si natalie sa lalake dahil sa pag tulong nito. Maya maya lamang ay may narinig silang mga yabag papunta sa kinaroroonan nila.

0 comments:


Post a Comment

Yanzloveangie